Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Pebrero 2000
Artikulo
TOC Mga talumpati sa porum sa Yenan hinggil sa sining at panitikan
Mga tala


[1] Ang �May 4th Movement� (Kilusang Mayo Kwatro) ay isang anti-imperyalista at antipyudal na rebolusyonaryong kilusan na inilunsad noong Mayo 4, 1919. Sa unang hati ng taong iyon, nagpulong sa Paris ang mga nagtagumpay na bansa ng Unang Digmaang Pandaigdig -- Britian, France, US, Japan, Italy at iba pang imperyalistang bansa -- para paghatian ang mga dinambong at para desisyunan kung ibibigay sa Japan ang mga pribelehiyo na dating tinatamasa ng Germany sa probinsya ng Shantung, China. Ang mga estudyante ng Peking ang nagpakita ng magiting na pagtutol sa iskimang ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga rali at demonstrasyon noong Mayo 4. Ikinulong ng gubyerno ng mga despotikong panginoong maylupa sa Hilaga. Sa loob ng ilang araw ay libu-libong estudyante ang inaresto. Higit itong nagpatindi sa galit ng buong mamamayan. Mula Hunyo 5, naglunsad ng welga ang mga manggagawa sa Shanghai at iba pang syudad at maraming negosyante ang nagsara ng kanilang tindahan. Sa gayon, ang isang dating kilusan patriyotiko na binubuo pangunahin ng mga intelektwal ay mabilis na umunlad tungo sa isang pambansa at patriyotikong kilusan na sumaklaw sa proletaryado, petiburgesyang lungsod at burgesya. Kasabay ng patriyotikong kilusang ito ang bagong kilusang pangkultura na nagsimula bago pa noong Mayo 4. Mula sa pagiging antipyudal na kilusan at pagtataguyod ng syensya at demokrasya, umunlad ito sa isang masigla at malakas na rebolusyonaryong kilusang pangkultura na ang pangunahing panawagan ay ang pagpapalaganap ng Marxismo-Leninismo.

[2] Ang �Shensi-Kansu-Ningsia Border Region� ay ang rebolusyonaryong baseng erya na unti-unting naitayo mula 1931 sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikidigmang gerilya sa hilagang Shensi. Nang dumating ang Central Red Army sa Hilagang Shensi pagkatapos ng Mahabang Martsa, ito ang naging luklukan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at pinaka-sentral na baseng erya ng rebolusyon. Ang �Shensi-Kansu-Ningsia Red Area� ay naging Hangganang Rehiyon ng Shensi-Kansu-Ningsia matapos ang pagbubuo ng Pambansang Nagkakaisang Prente Laban sa Hapon noong 1937. Halos tatlumpung purok: Yenan, Fushien, Kanchuan, Yenchuan, Yenchang, Anting (ngayon ay Tzechang), Ansai, Chihtan, Chingpiy, Shenmu, Fuku, Tiengpien, Hsunyi, Chunhua, Huanshien, Chingyang, Hoshui, Chenyuan, Ninghsien, Yenchih, Siuteh, Chingchien, Wupao, Michih, Chiahsien, at iba pa, ang mga sakop nito.

[3] Tingnan ang V.I. Lenin, �Party Organization and Party Literature� (Organisasyon ng Partido at panitikan ng Partido), Nobyembre 13, 1905, kung saan isinalarawan niya ang mga katangian ng proletaryong panitikan nang ganito:

�Ito ay magiging isang malayang panitikan, dahil sa ang ideya ng sosyalismo at simpatiya sa anak-pawis, at hindi ang kasakiman o ang karerismo, ang maghahatid ng bagong mga pwersa sa hanay nito. Ito ay magiging isang malayang panitikan, dahil paglilingkuran nito, hindi kung sino ang asawa ng bidang babae, hindi ang mga buryong na �nakatataas na sampung libo� na nagdurusa dahil sa matabang panghihina, kundi ang mga milyon at mga sampung milyong anak-pawis � ang bulaklak ng bansa, ang lakas nito at kinabukasan nito. Ito ay magiging isang malayang panitikan, pinagyayaman ang huling salita sa rebolusyonaryong kaisipan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng karanasan at buhay na paggawa ng sosyalistang proletaryado, naghahatid ng permanenteng pagtutulungan ng karanasan ng nakaraan (syentipikong sosyalismo, ang pag-unlad ng sosyalismo mula sa porma nitong primitibo, utopyan) at ang karanasan sa kasalukuyan (ang kasalukuyang pakikibaka ng mga kasamang manggagawa).� �Collected Works� (Mga Tinipong Akda), ed. Ingles, FLPH, Mosku, 1962, Tomo 10, pp 48-49).

[4] Liang Shih-chiu, isang kasapi ng kontra-rebolusyonaryong Pambansang Sosyalistang Partido, na sa matagal na panahon ay nagpalaganap ng mga reaksyunaryong Amerikanong burgis na ideya sa panitikan at sining. Siya ay suwail na tumutol sa rebolusyon at nilait ang rebolusyonaryong panitikan at sining.

[5] Sina Chou Tso-jen at Chang Tzu-ping ay sumuko sa mga mananalakay na Hapon pagkatapos okupahin ng mga Hapon ang Puping at Shanghai noong 1937.

[6] Lu Hsun, �My View on The League of Left-Wing Writers� (Ang Aking Pananaw sa Liga ng mga Makakaliwang-Panig na Manunulat) sa koleksyong �Two Hearts� (Dalawang Puso), Complete Works, ed.Tsino,Tomo 4.

[7] Tingnan ang sanaysay ni Lu Hsun, �Death� in the �Addenda�, The Last Collection of Essays Written in a Garret in the Quasi-Concession, Complete Works, Tsina, ed.; 1958 - Tomo 6.

[8] Ang �Little Cowherd� (Munting Pastol) ay isang bantog na katutubong operettang Tsino kung saan dalawang tao lamang ang gumaganap, isang pastol at isang batang babae mula sa baryo, na umaawit sa isang tanong at sagot na saliwan. Sa mga unang araw ng �War of Resistance Against Japan� (Digmaan Laban sa Hapon), ginamit ang pormang ito, na may mga bagong salita, bilang propagandang anti-Hapon at sa ilang panahon ay kinagiliwan ng publiko.

[9] Ang mga sulat-Tsino para sa anim na salitang ito ay simple at ginagamitan lamang ng ilang hagod at madalas ay kabilang sa mga unang leksyon sa mga lumang kartilya.

[10] Ang �The Spring Snow� (Nyebe ng Tagsibol) at ang �Song of the Rustic Poor� (Awit ng Maralitang Tagabukid) ay mga awit sa kaharian ng Chu noong ikatlong siglo, B.C. Ang himig ng una ay nasa mas mataas na antas kaysa doon sa pangalawa. Katulad ng isinalaysay sa kwento sa �Tugon ni Sung Yu sa Hari ng Chu� sa �Anthology of Prose and Poetry� ni Prinsipe Chao Ming, kapag kinanta ng isang tao ang �The Spring Snow� sa kapitolyo ng Chu, ilang dosenang tao lamang ang sumasali sa pag-awit, pero kapag ang �Song of the Rustic Poor� ang inawit, libu-libo ang nakiki-awit.

[11] Tingnan V.I. Lenin, Party Organization and Party Literature:

�Ang panitikan ay kailangang maging bahagi ng komon na adhikain ng proletaryado, �isang piyesa at isang turnilyo� ng tanging nag-iisang dakilang Sosyal-Demokratikong mekanismo na sinimulang paandarin ng buong may kamalayang pampulitikang taliba ng buong anak-pawis.� (Collected Works, ed. Ingles, FLPH, Moscow, 1962, Tomo 10, p. 45).

[12] Noong �War of Resistance Against Japan�, ang mga larangan ay nasa hilaga, silangan, sentral at timog Tsina. Madalas na tukuyin ng mga tao ang mga erya ng Koumintang sa timog-kanluran at hilagang-kanlurang Tsina na hindi na-okupa ng mga mananalakay na Hapon, bilang ang Great Rear Area (Dakilang Eryang Likuran).

[13] Ang �The Debacle� (Ang Pagkatalo) ng kilalang manunulat na Sobyet na si Alexander Fadeyev (1901-56) ay inilathala noong 1927 at isinalin sa Tsino ni Lu Hsun. Isinalaysay ng nobela ang pakikibaka ng isang partisanong detatsment ng mga manggagawa, mga magsasaka at mga rebolusyonaryong intelektwal sa Siberia laban sa mga kontra-rebolusyonaryong tulisan, noong panahon ng digmaang sibil sa Sobyet.

[14] Ang koplang ito ay galing sa �In Mockery of Myself� (Sa Paghamak sa Sarili Ko) ni Lu Hsun sa �The Collection Outside the Collection�, Complete Works ed. Tsino, Tomo 7.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.