Ang Sa Liyab ng Libong Sulo ay larawan ng kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino, sapul noong panahon ng kolonyalis-mong Espa�ol, imperyalismong US at magpa-hanggang kasalukuyan. Inuugat ng Sa Liyab. ang pagkaalipin ng uring anakpawis at samba-yanang Pilipino sa tatlong salot: imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Sinaklaw din ng bidyo ang matinding pakikitunggali sa mga bagong taksil ng pambansa-demokrati-kong rebolusyon, sa panahon ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto na inilunsad ng kilusan noong 1992.
Ang Sa Liyab. ay radikal na interpreta-syon ng kasaysayan ng bansa na kakaiba at kontra sa ipinapalaganap ng reaksyunaryong estado, laluna sa hanay ng mga kabataan at estudyanteng Pilipino. Ayon na rin sa salaysay, "sa liyab ng libong sulong tangan ng masa, maliwanag ang katwiran at katotohanan. Maliwanag din kung sino ang magwawagi sa tunggalian ng mga uri."
|