Pasasalamat
Taos-pusong nagpapasalamat ang patnugutan sa Panrehiyong Kagawaran sa Edukasyon ng Timog Mindanao; sa Kawanihan sa Kultura; sa Kawanihan sa Instruksyon; sa Pasa Bilis; sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan; sa mga kasama't kadre ng larangang gerilya sa Diwata Mountain Range; at higit sa lahat, sa masang manggagawa, magsasaka at lumad, na malugod na kumalinga sa amin at tumulong sa pagsasagawa ng kasalukuyang isyu.
Ispesyal na pagsaludo kina Kasamang Joven Obrero, Isaiah Labrador, Intang Arguelles, Agos Verdadero, Karil Andres, Redentor Santiago, Hasmin Silang, Paston Bagani, Risa, Adi, Neng at mga istap ng larangan; kay Kasamang Risa sa pagsasalin; kina Kasamang Parts Bagani at Rilen sa mga tulong biswal; kina Kasamang Jesse, Lope, Anna Karenina, Lara Gerilya at Mithi Matibak sa pagsasaayos ng manuskrito; at sa lahat ng mga nag-ambag.
Pagpuna-sa-sarili
Huli man at lahat, isinasama sa isyung ito ang mga komiks na "Ayos!" at "Simo", na aksidenteng natanggal sa Setyembre 2000 na isyu. Paumanhin rin sa ilang pagkakamaling tipograpiko o salin sa naturang isyu na nakalampas sa patnugutan, ngunit hindi sa mata ng mga kasama sa Silangang Kabisayaan. Maaasahan ng lahat ang patuloy naming pagsisikap na maiwasan ang mga naturang pagkakamali at maibigay ang pinakamahusay na makakaya.
|