Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Komiks
TOC Tanikalang Guinto


Ang Tanikalang Guinto, isa sa pinakatanyag na drama simboliko mula sa maagang bahagi ng dekada 1900, ay unang itinanghal noong Hulyo 7, 1902 sa Teatro Libertad sa Maynila. Ipinahinto ang pagpapalabas
nito sa Batangas, Batangas noong Mayo 10, 1903. Hinuli sa paratang na sedisyon ang manunulat na si Juan Abad, pinagmulta ng $2,000 at ipinabilanggo ng dalawang taon.

Sinisimbolo ng dula at ng mga tauhan nito ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pananakop ng US. Sa dula, nais magpakasal ng magkasintahang Liwanag (simbolo ng kamulatan at tunay na pagmamahal sa bayan) at K�Ulayaw (simbolo ng mga Rebolusyonaryo), ngunit pinaghihiwalay sila ng kanyang amain na si Ma-Imbot (o sakim, simbolo ng US) na hindi pumapayag sa kanilang pagpapakasal (simbolo ng Kalayaan).

Ipinagtapat naman ni DALITA (simbolo ng Inangbayan), ina ni K�ULAYAW, na kapatid niya si NAG-TAPON (simbolo ng mga Pilipinong nagtaksil sa bayan at nagpagamit sa US), bayarang tauhan ni MA-IMBOT. Itinakwil ni NAG-TAPON ang ina�t kapatid at muling nanumpa ng katapatan kay MA-IMBOT. Sa sama ng loob, binawian ng buhay si DALITA, ngunit siya�y nagbalik bilang KALOLOWA.

Sinuhulan naman ni Ma-Imbot si Liwanag ng isang tanikalang ginto (simbolo ng pangakong tulong ng US). Sandaling nasilaw si LIWANAG ngunit mas pinahalagahan niya ang regalong panyo (isang maliit na bandila ng Rebolusyon) mula kay K�Ulayaw. Sa galit ni Ma-Imbot, iginapos niya si Liwanag sa isang puno gamit ang tanikalang ginto at inutusan si Nag-Tapon na bantayan ang pamangkin. Dinalaw ng KALOLOWA si Nag-Tapon upang usigin ang kanyang budhi ngunit patuloy siyang nagmatigas. Nang dumating si K�Ulayaw upang iligtas si Liwanag, pinatay ni Nag-Tapon ang kapatid.

Balak nang magpakamatay ni LIWANAG, ngunit napigilan siya ni DIWA (simbolo ng patuloy na Pakikibaka). Sinusundo niya si LIWANAG upang makapagsama silang muli ni K�Ulayaw sa kabilang buhay. Dumating naman ang BAT (diyosa) ng kabundukan (ang �pamumundok� sa panahong ito ay katumbas ng pagsanib sa mga rebolusyonaryong pwersang nagpatuloy ng Digmaang Pilipino-Amerikano) upang kunin ang bangkay ni K�ULAYAW at kanyang pinangakuan ng kaligtasan at kapayapaan ang lahat ng magtatanggol sa mga inaapi. Humihip ng tambuli si DIWA (panawagan ng pakikihamok) na ikinasindak nina MA-IMBOT at NAG-TAPON. Lulan ng sasakyang bula ni DIWA, nilibot ni LIWANAG ang sangkapuluan. Si Ma-Imbot naman ay kinalawit ni Kamatayan, habang si Nag-Tapon ay kinaladkad ng Demonyo.

Ang mga dayalog sa komiks ay mula sa orihinal na tekstong Tagalog na sinulat ni Juan Abad.



K�ULAYAW: �Ano ang pasiya ng amain mo, bagay sa aking hinihinging pakiki-pagkamay sa iyo?

LIWANAG: �Ang pasiya?� ay na sa sa iyo at kung ano ang itinipan niya, ay sina nating tatalimahin�

K�ULAYAW: �Sa bagay binabawi ang kaniyang salita ng bago ikaw dalhin sa kaniyang bakuran?

LIWANAG: Hindi sa gayon; ni di niya mahahadlangan ang ating pagsisintahan, kailan ma�t ating pagtitibayin, datapu�t pinupuing niya, na itong kabataan ay munti pa sa gawang pagsasarili.

MA-IMBOT: Anak ko, masusunod iniyong pinipita, nguni�t tantuin mong ikaw ay pahat pa sa bagay na iyan, kaya�t anoman yata ang mangyari ay hindi ka matutulutan, sa pagka�t kung magsasarili iyang kabataan ay di malayong magkawindan-windang ang iniyong puri at cabuhayan sa mga inguitan ng maruming budhi, at magpaka-tibay-tibay at magpaka-dali- dalisay ang pag-sinta iguinawad ng pag-ibig, ay di makakatumbas ang pag-irog ng isang magulang.



Sina Ma-Imbot at Nag-Tapon ay magsisilukluk na bulungan ng bulungan at si Maimbot ay inom ng inom ng alak. Lalabas si Liwanag na ituturo ang dalawa, sa sarili.

LIWANAG: Si �Nag-Tapon!� kaulong ni ama, laking dusa, ang aking sasapitin kapag-nagka-taon, kumakaba yaring dibdib na ako�y susukabin niya, pagka�t si Nag-Tapon ang nakatatalos ng aking lihim; nguni�t sa kaniya�y kulang tiwala yaring puso dahil sa siya�y katiwalang lihim ni ama, kaya�t laguing alapaap, sanhi sa kanyang ugali na kailan ma�y di na yata mababago� Ang pagka-alipin na may ugaling sukab, ang siyang katalo ng kabaitan, mapag-puri sa panginoon, matalabid ang dila at mapanganyaya sa kapua� �Oho!� kalihim na masakit ni ama, upang tumanod sa akin at siya rin naman ang katiap sa pag- sisintahan namin ni K�Ulayaw�




DALITA: �Ikaw nga ang may katuiran!�
tayo na bunso kong hirang
ako, ang may kasalanan
kung ano�t aking binuhay
ang anak na lapastangan.

K�ULAYAW: �Tayo na ina!� ��Libo mang anak at masama; mabuti pa nga ang wala!�

NAG-TAPON: Huag palibhasain� (Galit.)

K�ULAYAW: Kapatid na lilo� (Akmang dadaluhungin)

NAG-TAPON: Wala akong kapatid. (Gayon din.)

NAG-TAPON: �Lapastangan!�

DALITA: �Anak ko�y pa-alam!!!� (Buntong hininga.)




MA-IMBOT: �Liwanag!...
Na-ito at iyong tignan
ang tanikalang mainam,
guintong payak at dalisay
masilab na parang araw.

LIWANAG: Ama�y �saan po dinulang
ang ganitong karikitan?
puso�y nagulumihanan
sa kintab at uring taglay

MA-IMBOT: Iya�y ipinasadyang walang nakabatiag
binuli�t lininis ng boong pag-iingat,
isang ala-ala na sa iyo�y gawad
na maguing aliwan at iyong saguisag.




LIWANAG: Hindi kailangan, masusunod ang iniyong pagtatali at hangang may higpit ay higpitan; nguni�t talastas ng madlang nanonood na mapaitsa aking kalooban. Tunay tinangap ko anggalang na iyan ng una, datapua�t di ko akalain na may lihim na hangad ang nag-kaloob sa akin. Di ko akalain na
ikadudungis ng pagsinta ko kay K�Ulayaw� Malakas kong isinisigaw hangan saharap ng Lumikha, na di ko maguing kasalanan ang ako�y gumiliw sa umi-irog sa akin.




NAG-TAPON: �Pangahas!� (Puputukan si K�Ulayaw)

LIWANAG: �Aba kong kapalaran!� �K�Ulayaw ko!�

K�ULAYAW: �Ina ko!� Iisa ang ating naguing hanga
ng palad:
Ang kapatid kong nagtaksil
na iyong ikinagupiling,
siya rin nga ang kumitil
ng hiningang ma-iiring.




DIWA: �Binibini!� maghinahon ka
siya�y hindi patay
huag pawiin ang iyong pag-asa
paka-diliguin mo ang iyong ganda
at ako�y damay
sa pighati mo�

Sa ngayon, ikaw ay bihag
ng kapangyarihan kong hawak
kaya�t sumama ang dapat
sa tahanan ko sa dagat.
Doon, ay may karurukang
batbat ng salaming lantay
at mayroon ding aliwang
sagana sa halamanan.

LIWANAG: �Ako�y ipagsasama?�

DIWA: Doon ka niya hihintayin
sa kalualhatiang taning
ng palad niyang sasapiting
laan ng Lumikha sa atin.
Kaya�t tayo na�




KALOLOWA: �Bayan!�
Ang mapagtangol ng dangal
sa puri ng kasintahan
at pag-ibig ng magulang,
na gaya ng matimtiman:
Maguiting sa Tinubuan
at Bayaning nagsangalang;
dapat nating papurihan
ang kanilang kamatayan.



Ibabang dahan-dahan ang Tabing, samantalang pinuputungan ng bulaklak si K�Ulayaw, dinadala ng Demonyo si Nag-Tapon, kinakalawit ni Kamatayan si Ma-Imbot at sila Liwanag at Diwa ay pasa-himpapawid.

WAKAS



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.