1. Lalaki:
Kumusta ka, Inday, naririto ka pala
Magandang pagkakataong tayo'y nagkita
Kung nais mo'y halika't ako'y samahan
Sa pulong at pag-aaral nitong aming kilusan.
2. Babae:
Tama ka Intoy, ako'y narito nga
SUbali;t di ikaw ang aking sadya
Napag-alaman kong kayo'y may kasiyahan
Sumama lang ako sa mga kaibigan.
1. Lalaki:
Magandang pagkakataong ika'y makasama
Kahit hindi kami ang iyong sadya
Kung makadadalo ka, nakasisiguro ako
Malilinawan ka sa maraming punto.
2. Babae:
Salamat naman kung sadyang ganoon
Tila masasagot din itong mga tanong
Kung ihahalintulad sa lubid na binaklas
Maraming buhol ang nais matastas.
1. Lalaki:
Ano kaya, Inday, ang nais mong itanong
Ibahagi sa amin, wag nang mag-alangan
Kagaya ng tubig, hayaang umagos
Patungo sa dagat dadaloy at bubuhos.
2. Babae:
Ako'y naguguluhan dito sa kalagayan
Lagi't lagi na lang itong kahirapan
Ang mga magsasaka, mga manggagawa
Di lumalagong bansot na halaman.
|