|
Ulos: Setyembre 2001 Tula TOC
Hinundayan, Gubatan, Kampalili & Other Peaks
In memory of Ka Dags (Cesar Cayon), who guards these mountains
|
Joven Obrero
Was it like this in Hinundayan?
Did the fog gently touch the mountains in farewell?
Did the smell of alangilan fill the air?
Did the wind weep in sadness?
I stood on a slope and wondered how you fell.
Even Mawe, our dear friend, would not tell.
I heard they took your head.
It doesn't matter. Let the enemy have their silver.
It doesn't matter. Hadn't we known it would be like this?
Had we not prepared ourselves for this?
I close my eyes, still there is this wound that would not heal.
Grieve, grieve no more, comrade.
In another mountain called Gubatan
We sowed our name on the land until it bloomed.
Ay, what laughter passed
Between us and the peasants
As we learned their tongue, their heart,
Singing songs of love and freedom.
Do you remember how the fog danced when in
The morning we tiptoed from the hut to touch hands?
Your eyes went heavy with love
When you sang to sleep our child.
Grieve, grieve no more, comrade.
In another age, another hill called Kampalili,
Where streams are clearer, peaks are higher,
We walk along the mountain path:
Each wound, each grief is etched in memory.
The child has grown, a young man walks,
Sturdy and strong: how fast he climbs,
Putting away the mist and fog, higher
And higher still for the final hour,
As the enemy detachment sleeps below,
Awaiting death. The mountains soon
Will enclose them, surprise the demons in their lair.
The final reckoning, the people's war.
Grieve, grieve no more, comrade.
Hinundayan, Gubatan, Kampalili at Iba Pang Bundok
Sa alaala ni Ka Dags (Cesar Cayon), na bantay sa kabundukang ito
Salin
Kagaya rin ba dito ang Hinundayan?
Dumampi ba sa kabundukan, namamaalam, ang mga ulap?
Ang alangilan ba'y humahalimuyak sa paligid?
May luha sa likod ng haluyhoy ng hangin?
Sa dalisdis ng bundok, inisip ko kung paano ka bumagsak.
Ayaw magsalita kahit ni Mawe, kaibigang matalik.
Narinig kong kinuha nila ang ulo mo.
Kahit ano pa man. Kunin na ng kaaway ang kanilang gantimpala.
Kahit ano pa man. Hindi ba alam na nating magiging ganito?
Hindi ba inihanda na natin ang sarili para sa ganito?
Sa kabila ng pagpikit-mata, may sugat na hindi humihilom.
Huwag, huwag nang malumbay, kasama.
Sa isa pang bundok, kung tawagi'y Gubatan,
Ipinunla natin ang ating pangalan sa lupang namulaklak.
Ay, kung anong kagalakan ang namagitan
Sa atin at sa mga magbubukid
Habang tinutuklas natin ang kanilang wika't diwa
Habang ang puso'y umaawit ng pag-ibig at kalayaan.
Naaalala mo ba ang nagsasayawang ulap sa umaga nang
Mula sa kubo tayo'y patiyad na humakbang, nangungumusta?
Ang mga mata mo'y namimigat sa pag-ibig
Habang inihehele ang ating anak.
Huwag, huwag nang malumbay, kasama.
Sa isa pang panahon, sa munting bundok ng Kampalili,
Mas malilinaw ang mga sapa, mas nagtatayugan ang kabundukan,
Tinalunton natin ang landas sa bundok:
Mga kawalan at sugat na di malilimutan.
Ngayon ang bata'y lumaki na, isang binata na ang naglalakad,
Matatag at malakas: mabilis siyang umakyat,
Hinahawan ang mga ulap at hamog, umaahon
At umaahon hanggang sa kataas-taasan.
Sa ibaba, binabangungot ang destakamento ng kaaway,
Naghihintay ng kamatayan. Mula sa kabundukan
Papaligiran, sisindakin ang mga nakakubling demonyong
Pagbabayarin sa huling paniningil ng digmang bayan.
Huwag, huwag nang malumbay, kasama.
|
|
Previous | Table of Contents | Next
|
|