Kasama, kapatid ng awit at unos,
Mga balingkinitang daliri ng ulan sa himig mo
At mga mukha sa isipan at pagitan ng langit at lupa:
Ipinapaalala mo sa amin ang mga pira-pirasong katawan
Ng hamog ng kulay-abong pagdadalamhati
Nitong umaga ng isa na namang araw ng buhay at kamatayan,
Habang itinatambol ng mga kamay ng ulan ang nagdidilim na lupa
At kami ay namahinga sa puting pag-asa ng langit.
Dumadalaw sa aming gunita ang mga larawang di-maabot,
Mga baryong liblib, o pinagmulang syudad,
Mga malalayong kariwasaan ng tahanan at dating gawi,
Kundi lamang sa pagsasamahan at panawagang mag-aklas,
At hudyat ng digmang bayan isang araw ng paniningil sa laban
Pagkatapos ng walang-pandong na kataimtiman sa Sag-od*
Damdaming malalim sa Pulang mandirigma
Ang katahimikang dulot ng pasistang masaker.
Ay, kasama, kapatid ng awit at unos,
Ang kapangyarihan ng mga himig mo'y nakikiisa
Sa ulan na pinupuno ang mga sapa
na dumadaloy sa mas malalaking mga ilog
Sa aming loob. At sa aming mga pusong
Batid ang makapangyarihang mga kwento
Ng buhay at kamatayan,
Ang daluyong ng digmang bayan ay nagpapatuloy.
*Sag-od - bayan sa Samar na pinangyarihan ng isang malagim na masaker
|