La,la...(2x)
1. Kahit anong kalagayan
Kahit saang lugar
Ang pagsisilbi sa sambayana�y
Sa dibdib ko nananahan.
Sa gitna ng kahirapan
Sa gitna ng pagtitiis
Larawan ng iyong kalayaa�y
Siyang nagbigay ng tapang.
2. Mahihirap, dito sa lupa�y inaapi
Inaabuso, pinagsasamantalahan, niyuyurakan
Ikaw na dukha, sino pa ang iyong pag-asa
Kung ika�y walang kapangyarihan sa sarili
Paano ka makakabangon
Mahihirap, dito sa lupa�y pinabayaan
bukal ka nitong hangad na kalayaan
Mahihirap, kapangyariha�y pagsalig sa sambayanan
Kaya huwag mag-alinlangan, huwag kalimutan
Mayroon kang kadakilaan.
3. O, Samar, bayan kong kinagisnan
Silangang bahagi ng Kabisayaan
Matamis ka sa aking alaala
Tahanan ng mga magulang ko�t kapatid.
4. O, Leyte, bayan kong kinagisnan
Silangang bahagi nitong Kabisayaan
Matamis ka sa aking alaala
Tahanan ka ng mga magulang ko�t kapatid.
5. Habang may alon sa dagat
Habang may tubig na umaagos
Habang may simoy ng hangin
May pag-asa at may pangarap.
6. Kahit pa umulan
Ilog ay bumaha man
Hangga�t nand�yan ang araw
Sa �ting dibdib ay may pag-asa.
7. Dagat, kay ganda mong tanawin
Dagat, tagpuan ng langit at panginorin
Mula sa bundok, kayganda mong tanawin
Naghahatid ng malamig na simoy
Humahampas sa dalampasigan ang alon
Palatandaan ng mga pag-asa
Darating ang panahong agos mo�y sasama sa amin
Kalayaa�y ating makakamit.
May araw na mabangis ang anyo mo
At may araw ding banayad ang anyo.
Alon mo�y humahampas
Palatandaan ng aming pag-asa
Darating ang panahong agos mo�y sasama sa amin
Kalayaan ating makakamit.
8. Mayroong isang halaman
Ilan lang ang bulaklak
Kinunan siya ng ugat
Pati daho�y tinanggal
Noong wala pang bulaklak itong halaman
Binalian siya ng tangkay
Parang tanim na walang nagmamay-ari
Pinintasan at inaapi.
9. Ang taong aba
Mahirap ang dinadanas
Walang katahimikan
At walang kapayapaan
Anumang hinahangad, walang natutupad
Di na matiis ang kalagayang hirap.
Kaya tayong mahihirap
Mag-isip at magkaisa
Lagutin ang tali
Ng pagkaalipin
Sa lakas ng ating pagkakaisa
Kaaway ay gagapiin.
10. Aalis kami, maghahanap ng ibang daan
Landas na may tinik subalit may pag-asa
Landas ng kalayaan.
Kung kami ma�y mamatay sa pakikipaglaban
Alalahanin n�yo naman ang aming maiiwan
Pawis at dugo na aagos sa katawan
Huwag mong tangisan dahil ganya ang
Landas ng kalayaan.
Landas na may tinik subalit may pag-asa
Landas ng kalayaan.
11. Kasama, kami�y lilisan na
Pupunta na kami sa aming erya
Kung kayo man sa amin ay mangulila
Tanawin n�yo na lang yaring kabundukan
Kasama, kami�y lilisan na
Pupunta na kami sa aming erya
Kung sakali ma�t kayo ay mauhaw
sa pagmamahal ng masa kayo�y uminom
La-la
|