Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Mayo 1, 2002
TOC Pasasalamat


Marubdob na pinasasalamatan ng patnugutan ang mga kasama, kaibigan at kamag-anak ng mga kasama na buong-pusong nagsikap at tumulong na mailabas ang isyung ito ng sentenaryo ng kilusang manggagawa:

Kay Ka Lope Bagtas na walang kapagurang nangalap, nanaliksik, naghalukay ng mga artikulo at akda para sa isyu mula sa libu-libo niyang mga libro; pagkontribyut ng ilang artikulo, sa kanyang balagtasan at pagtiyak na husto ang baybay at bilang ng mga taludtod ng mga ito, sa matiyagang pagbubuo ng timeline ng 100 taon ng kilusang manggagawa, sa pagsasalin ng tula ni Neruda mula sa Espanyol, pag-edit at pagproofread ng buong isyu. Isama na rin natin ang kanyang masisiglang "angels" na tumulong sa pag-input sa ilang mga artikulo.

Kay Lino de Guerra na humaba na ang buhok at nagmistulang ermitanyo sa pagtutok sa harap ng computer, pagdrowing, paglay-out, paghahanap at paglilinis ng mga nagdidilawan at madidilim na sinaunang mga litrato, paghalukay ng mga akda at artikulo mula sa sangkatutak na libro, dyaryo at magasin, pangungulit sa mga kasama para sa kanilang mga assignment, pamamalengke, pagluluto ng kanyang paboriting obra maestra na sinabawang mongo, pagsusunog ng sangbundok ng mga dahon sa bakuran at mahigpit na pagtangan sa optimismo para sa pagtatapos ng isyu.

Kay Mira Ledesma sa dibdiban at matiyagang pagggawa ng mahigit na 20 mga illustrasyon, sa pagbuo ng kasaysayan ng Marso 8, habang nakadeposito ang nag-iisa niyang anak sa kamay ng ibang mga kasamang nagsisikap maging ina, pangangalap ng mga materyales para sa mga mukha at biography ng mga sinauna at bagong martir at iba pang akda, at pagfaloap sa kontribusyon ng iba pang mga artist.

Kay Sonya Gerilya sa paglilinis, pagkikinis sa mukha, braso at kamay ng mga bago at sinaunang litrato at ilustrasyon. Sa editing, proofreading at sa pangungulit kay Kasamang Vernon para tapusin ang istatwa, pagcamera shooting at malikhaing paglay-out nito sa cover ng Ulos.

Kay Leyla Batang na laging maaasahan pagdating sa komiks at ilustrasyon. Sa kasalukuyan ay binabagtas niya ang iba pang larangan ng sining at mga bundok at parang ng kanayunan. Sadyang tahimik kaya't kapag nagsalita'y tiyak lahat ay makikinig. Maraming nagnanais siluin ang kanyang puso subalit sadyang mailap pa ang kasama.

Kay Manuel Alpas sa tehnikal na tulong sa cover at para sa paggawa ng E-book ng Ulos sa CD.

Kay Vernon na naglamay para ihabol ang paghulma ng iskultura ng babae at lalakeng manggagawa na ginamit sa cover.

Kay Pablo Makata sa pagkontribyut ng ilang artikulo, pagbyahe nang malayo nang nakatsinelas lamang para sa paulit-ulit na pag-edit at pagproofread para sa mga maling baybay at maling konstruksyon ng mga salita, paglagay ng kuwit at gitling o pagtanggal sa mga ito at iba pa; pagsasalin sa Pilipino ng ilang Ingles na artikulo at tula.

Kay Menardo Juarez sa pagkontribyut ng ilang ilustrasyon at artikulo, pagsasalin mula Ingles patungong Pilipino, at pagtipa sa chords ng mga kanta.

Kay Nanay Aleli na guro at mapagkalingang ina ng isang kasama, sa pagsasalin sa Ingles ng ilang siniping pangungusap na Espanyol.

Kina Nueva Mia Vida, Maria May Paglaum, Stella Magtanggol, Leni Tagapanday at Juan Gabriel sa pangangalap ng mga materyales at pagbubuo ng mga sanaysay, sa walang-sawang pag-edit at pagproofread ng buong isyu.

Kay Propesor Julian Tapang, ang nakatatandang manunulat at tagapayo ng Ulos na tumugon sa hinaing ng mga nagsisikap at nakababatang mga manunulat, sa pagtiyak sa wasto at malikhaing paglulubid ng mga salita, paggamit ng gitling, kuwit, koma, semikolon atbp. at sa pagbabahagi ng kanyang mayamang kaalaman hinggil sa pagsusulat; sa mainit na pagtanggap at pagkalinga sa mga kasama.

Sa mga kasama sa sektor ng manggagawa, sa kanilang naglalagablab na pahayag at mga panawagan, mga libro at magasin; sa mga nakacd na fotos at materyales. Kasama na rito ang di mabilang na mga dyaryo, magasin, libro, polyeto na pinanggalingan ng mga materyales na pinagkunan at pinaghalawan para sa isyu.

Kina Macario Veneracion, Mirasol, B. Domeng ,Jiji at Tany, mag-asawang Jay at Cory, Lumen, Akasha Tayug, Parts Bagani, Fermin , Solo Luna, Joven, Lira Tayug, Vicente Amor, Ness, Ika-Uno at iba pa.

At higit sa lahat sa nakatatandang mga kasamang mataman na nagsubaybay sa amin at sa pagtiyak na may pondong gagamitin para sa paglilimbag ng isyung ito.



Previous | Table of Contents

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.