Pagkatapos ng bagyo:�
Kumusta ka na, ama?�
Ang pagal mong mga mata ay nanood
habang�nagtipon ang unos sa himpapawid�
at binuhos ang kanilang poot
sa lupang kinabubuhayan.�
Ang mga niyog na nanampalataya
sa mga umaga ng kalayaan�
ay buwal na.�
Kinakalyong mga daliri ang nakakaalaala
sa� pagbungkal ng pulang lupang tadtad
ng� mga anak ng bulkan
mula pa sa nakalimutang panahon.�
Hindi kaya�t gulong lamang, ika�y nagtaka,�
o di kaya�y buhay�
na inaruga ng lupang tinubigan
ng pawis, dugo, luha,�
at ang mga punong tumutubo dito
ay pinataba ng mga panaginip�
na ang mga umaga at ang lupa�
ay para sa panahong darating pa,�
pagka�t ang pasya ay nasa mabagal at�
malakas na buhay na pangako ng lupa.�
May mga tibok kung saan umuuwi ang tubig�
sa pinakakaluluwa ng mundo�
at ang araw ay walang patawad kung humingi.�
Panahon kung saan ang dugo ng lupa�
ay bumalik upang yanigin�
at anurin ang mga bagnas ng ala-ala.�
Ngunit palagi�
palaging nakapula ang pangarap
upang arugain ng matiyagang kamay
at walang uring mga panaginip.
Bumalik ka sa mga nananampalataya
sa umaga, ama,�
na ang mga anak ay hihigitan ang mga tibok ng mundo�
na ang mga ala-ala ay bigat ng di-mabilang na salinlahi�
na ang mga dasal ng paglaya ay sa iyo rin.�
Kapag nilakbay ng mga paa mo
ang mga bakas at bagnas,�
tandaan kung saan nanggaling para malaman�
kung saan ka papunta.�
At nang pagkatapos ng bawat unos
(at kahit sa hagupit ng bagyo)
ay may buhay
|