Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Hunyo 2003
Pelikula
TOC Lupa ay Laya (2002)


Anak ng magsasaka ang tagapagsalaysay sa dokumentaryong Lupa ay Laya. Paksa nito ang daan-taong problema sa lupa ng uring magsasaka. Ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka ay kaugnay ng pakikibaka ng buong sambayanan para sa pambansang paglaya. Makauri ang katangian ng pakikibakang ito. Ito ay laban sa pagsakop, panga-ngamkam at panlilinlang ng mga naghaharing-uri at ng mga dayuhan.

Inugat ng dokumentaryo ang kasaysayan ng pyudalismo at malapyudalismo sa PiIipinas. Isinalaysay at inilantad nito ang iba't ibang kaso at problema ng magsasaka noon at ngayon. Tampok na kaso rito ang pangangamkam ng iba't ibang malalaking panginoong maylupa. Kabilang dito ang mismong pamilya ni Emilio Aguinaldo, isang lider ng rebolusyong naglayong bigyan ng sariling lupang masasaka ang mamamayan. Ngunit sa ilalim na rin ng ilustradong pamumuno ni Aguinaldo, ipinagkanulo at isinuko ang Rebolusyong Pilipino ng 1896.

Inikot ng dokumentaryo ang iba't ibang lugar upang maitala't ipahatid ang abang kalagayan ng mga magsasaka sa buong kapuluan. Sa pamamagitan ng mga panayam, testimonya at pagsasadula, inilantad ang pyudal at malapyudal na kaayusan na laganap sa kanayunan. Pinatunayang huwad ang programang reporma sa lupa ng gubyerno. Ipinakita rin kung paano pinalalala ng salot na globalisasyon ang abang kalagayang ito ng mga magsasaka.

Hindi nanahimik ang mga magsasaka sa kabila ng sukdulang pang-aapi. Pinatampok sa dokumentaryo ang pagkakaisa at pagbalikwas ng uring magsasaka. Binigyang-diin ang halaga ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos, at higit sa lahat, ng armadong pakikibaka.



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.