Salubungin ang sagisag ng pangulo:
ang Hari ng Kalsada
Ang maghahatid ng kaunlaran sa masa,
Pipitsuging sasakyan ng mga Asyano.
Sa talyer ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nilatero.
Pagmasdan ang neo-kolonyal na awto ng estado
Dadalhin tayo mula kawalan tungong kawalan
Isang biyaheng kakarag-karag sa liku-likuan.
BASTA DRIVER, SWEET LOVER
Nangangaral sa masa ang Pangulo
Na sa kalamnan ay huwag na raw magpatukso
Huwag nang magparami kung gayon
at nang kahirapa�y mabigyan ng solusyon
Ngunit ang matsong ito�y kay hirap paniwalaan
Gayong nakatutukso rin ang kanyang kapablingan �
Ibang klase nga naman ang hambog na ito
Pang-asinta niya�y di balang blangko
Di gaya ng mga medalyang militar ni Macoy
Na di galing sa Bataan kundi sa tindahan ng burloloy.
Ngunit higit pa sa mga ito ang kanyang kalaswaan
Mga sanggol na magsasakang naghihiyawan
Sa dampa nilang ang silong ay putikan
Habang ang mga bundat na laki-sa-layaw
Ay namumuwalan sa maka-uring prebilehiyo
Na sa kanilang hugis at hilig ay animo�y di na tao,
Habang alipi�y naghihingalo�t gutom sa pagkatao.
BAWAL ANG SABIT SA BIYAHENG LANGIT
Alam ng mamamayan kung saan nila gustong tumungo.
Higit sa mga tusong ang hinihiyaw ay pekeng mga pangako,
Mga traydor na dispatsador ng matatamis na pangarap
Ng pagtatanggol sa inangbayang sagad sa hirap,
Ng lupa para sa mga magsasakang inagawan,
Ng mga paaralang sisilungan ng mga walang-muwang.
Ng tunay na diwa ng kapangyarihan,
hindi ng dahas sa pagsasamantala
Na sa bisig ng uring anakpawis ay kumukulata.
Kawawa ang mga natutulog, sila�y maaalipungatan
Sa kalubakan ng lansangang pagdaraanan
Sa butas-butas na kalsadang pinagkakarerahan
Ng mga neo-kolonyal na pulitiko na dito�y nagpangalan
Ng Philippines 2000, na sila ring nagtimbuwangan
sa natamong pambihirang �kaunlaran.�
HILA MO, HINTO KO
Nagdidinig-dinigan lang nga ba itong si Estrada
Sa mga reklamo ng mga taong ngayo�y halos nagmumura
Dahil sa mga luma�t bagong kroni n�yang minomonopolisa
Di lamang bawat huntahan kundi maging lahat-lahat na.
Sa katakawa�y �di pahuhuli si Danding
Sa kopra, tubo at sa tagay ng San Miguel Beer,
Habang kay Lucio piloto�y eroplanong perang-papel,
Inaawitan naman ni Imelda ang masa ng �Dahil Sa Iyo�
Salat-salat ang alahas na animo�y nagrorosaryo.
Sa bansang kabi-kabila ang hatakan sa lubid ng palakasan,
Wala ni hibla ang masa. Tanging ang mga huwaran
Ng kasakiman ang umaangkin sa malalawak
Na mga plantasyon at mga empresang pinagbubuwisan
Ng dugo�t pawis ng mga manggagawa at magsasaka.
Para! Pero patuloy sa arangkada ang neo-kolonyal na harabas
At sa anarkismo�t pagdurusa, sa labanang walang habas,
Kampante ang nabigeytor na mperyalista
Na s�yang tunay na nagmamaneho, hila-hila ang tali ni Estrada
Hindi artista si Erap.
Siya�y isang papet.
|