Bawat araw nagpapatupad ng gawain
Maagang magising upang magsaing
Sa paglaho ng hamog maghahain
Sa mga mag-aaral na kakain.
Prrrt ... time na para sa edukasyon
Guro't mag-aaral nagdiskusyon
MLM1, Partido, nagkakaisang prente, hukbo-
mabigat, malalim at mahalagang usapin
Ngunit sina Kasamang Eddie, Ruel ay buong sigla
Sinisikap ang estudyante'y makaunawa.
Dapat tandaan:
Partido ay taliba sa pakikidigma
Tanglaw sa paghihimagsik laban
sa kaaway na mabagsik
Armadong pakikidigma
Sa Partidong tumatalima
Sa gawaing DRB2 kumakasa
Sa nagkakaisang prente, huwag maging kampante
Sa pambabaluktot ng mga RJ3
Tatlong sandata, sa isang pakete
Integral na usaping hindi pwedeng baha-bahagi.
Sa pag-ases at ebalwasyon, MLM
kasingtalas ng aserong espada sa paglalagom
Ito ang armas upang tatlong salot ay malagot.
Mabuhay ang IKP4!
1MLM - Marxismo-Leninismo-Maoismo
2DRB - Drmokratikong Rebolusyong Bayan
3RJ - "Rejectionists"; mga itiniwalag sa kilusan/ kontra-rebolusyonaryo
4IKP - Intermedyang Kurso ng Partido
|