Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Setyembre 2000
Tula
TOC Sa Pag-aaral, Hindi Tayo Hihinto At Magpapahinga


  Minsan, kasing dalas ng kurap Ang pagdadalawang-isip, Nagsalansang lumot ang alinlangan Na kahit saan ay pumapagkit; Kaya't bagong bagay ay laging babala At pag-aaral ay nakababalisa- Bulag na pangamba, sa madaling salita.   Kaya't pakinggan itong Inang Lawin Na sa kanyang inakay ay naghahabilin: "H'wag matakot na bansot mong bagwis Ay pailanlangin sa pangangampay. Oo, bunso, wagas ang hiwaga ng buhay- Di ka man lumundag mula sa 'yong pugad At sa pag-igkas ay mabuway, Tiyak rin namang mamamatay- Ngunit, bunso, pakatandaan, Nasa pagtuklas ang tagumpay; Sabay mang maaburido ang kidlat at bagyo, Kung huni nito at puyo ay 'yong makakabisado, Mababatid mo kung kailan pakatatayog Kung kailan pakalulundo; At bunso, mula sa yakap ko Matatawid mo ang mundo."   Kaya't Kasama, kung bato ang kaaway Pag-aralang bakal ay mapanday; Kung s'ya nama'y higanteng malabay Pag-aralan ang taktika ng anay sa pagsalakay; At kung siya'y nag-aalimpuyong baha Pag-aralang paliparin ang bangka.   Hindi natatapos ang pag-aaral, Kasama Hindi tayo hihinto at magpapahinga.              


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.