Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Pangyayri sa Balantoy, Binabaliktad ng 5th ID PA
Agosto 31, 2004

Malaking kasinungalingan ang isinahimpapawid ng maraming istasyon ng radyo na NPA daw ang bumaril sa apat na sibilyan sa Balantoy, Balbalan, Kalinga noong Agosto 25, 2004. Ang katotohanan nito ay mismong mga tropa ng Charlie Coy 21st IB ang bumaril sa mga sibilyan! Layunin ng pahayag na palabasin kahit sa propaganda lamang na kagagawan ng NPA ang pamamaril sa mga inosenteng sibilyan dahil sa desperasyong maiiwas ang 21st IB sa galit ng publiko.

Para maliwanag na makita ang katotohanan, ang mga sumusunod ang kronolohiya ng pangyayari noong Agosto 25, 2004:

  1. Bandang 7:00 ng umaga, ipinatupad ng Lejo Cawilan Command (LCC), NPA-Kalinga ang isang harassment operation kontra sa detatsment ng Philippine Army-CAFGU sa Balantoy. Ang Detatsment ay pinamumunuan ni Sgt. Conejar. Ang operasyon ay maingat na pinaghandaan ng LCC. Sinisigurado ng NPA sa abot ng kakayahan nito, na sa lahat ng operasyon ay walang masaktan na sibilyan at masirang ari-arian ng mamamayan.
  2. Mga 7:07 sa umagang iyon noong nag-umpisa ang pagpapaputok ng mga NPA sa detatsment. Ang harrassment ay tumagal ng dalawang minuto lamang. Dito tinamaan ang dalawang CAFGU. Namatay si Jonathan De-ig at nasugatan si Julio Balaoas. Umatras ang mga NPA pagkatapos ang harrassment.
  3. Kasabay nito ay pumuwesto ang isa ding tim ng NPA para mang-ambus sa mga darating na reinforcement ng kaaway na manggagaling sa command post ng Charlie Coy ng 21st IB sa Kadamayan, Poblacion, Balbalan. Bandang 9:15 noong mag-umpisa naman ang putok sa ambush site. Isang composite reinforcement ng PA, PNP at CAFGU na pinamunuan ni 2Lt. Benito Ramos ang dumating na mangreinforce sa detatsment ng Balantoy. Ang labanan ay tumagal ng 20 minuto lamang. Sa labanang ito ay nasugatan si Sgt. Jeronimo Caymo ang 21st IB at SPO3 Mike Simangon.
  4. Bandang 9:35 ay ligtas nang nakaatras ang yunit ng LCC.
  5. Ngunit sa detatsment ng PA-CAFGU, nagpatuloy sa pagpapaputok ang yunit ni Sgt. Conejar kahit matagal nang walang sagot na putok mula sa NPA. Dito ay nakaumang na ang mga baril nila sa mga kabahayan. Pagkatapos namang umatras ang mga nang-ambus na tim ang LCC, ipinagpatuloy din ng mga puwersa ni 2Lt. Ramos ang pagpapaputok na nakaumang din sa mga kabahayan ng masa.
  6. Ang indiscriminate firing sa mga kabahayan ay ipinagpatuloy ng mga pasistang tropa na nadagdagan pa sa pagdating ng isa pang platun ng Charlie Coy ang 21st IB, sa pamumuno ni 2Lt. Ryan Joseph Cayton. Maghapon na nagpapaputok ang mga ito kahit na alam nila na wala na ang NPA na nangharas sa kanila.

Alam ng nagsisiyasat na mamamayan kung sino ang pinanggalingan ng putok na nanakit kina Mrs. Corazon Gumannao, Mrs. Prescilla Gumanao, Mrs. Alon Tangdol at isa pang bata na isang taong gulang pa lamang. Ang mga pasistang sundalo ang bumaril sa kanila! Ito ay mga kasong dagdag na naman sa patuloy na dumarami at lumalalang paglabag ng PA-CAFGU sa karapatang pangtao (human rights) sa probinsya ng Kalinga. Ang mga ito ay maliwanag na paglabag sa �Kumprehensibong Kasunduan sa Pagrespeto sa mga Karapatang Pangtao at Internasyonal na Makataong Batas� (CARHRIHL) na pinirmahan ng GRP at NDF noong 1998. Mariing kinukondena ng LCC, NPA-Kalinga ang mga ito.

Reference:






Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.