Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglishBisayaIloko
Read full statement   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Terorismo ng AFP at PNP ni GMA, lumalala sa Timog Katagalugan – Ka Roger
Oktubre 18, 2001

Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas, sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Gregorio “Ka Roger” Rosal, ang nagpapatuloy at lumulubhang terorismo ng mersenaryong Armed Forces of the Philippines ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Timog Katagalugan.

Umabot na sa 93 kaso ng mga paglabag sa karapatang tao ang naganap sa rehiyon nitong Setyembre 15. Sa mga kasong ito, 276 indibidwal sa 20 komunidad at 24 pamilya ang naging biktima sa 61 insidente ng karahasang militar.

“Nagpapaligsahan sa paghahasik ng lagim ang 13 batalyon (16th IB, 68th IB, 34th Special Forces Company (SFC), 18th Scout Rangers Company (SRC), 2nd SRC, 6th SFC, 32nd at 33rd Special Action Force (SAF) Coy ng 3rd Regional SAF Bn) ng AFP at PNP na nakakalat sa 10 lalawigan ng rehiyon,” anang tagapagsalita. Ikinamatay na ito ng maraming sibilyang pinaghihinalaang myembro o tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga mandirigmang BHB na hors d’combat (nawalan ng kakayahang lumaban). Ito rin ang pumatay sa dating bihag ng digma at nakatakda nang palayaing si PCI Abelardo Martin at isa pang walang kalaban-labang pulis ng Lunsod ng San Pablo.

Dagdag niya, ang mabilisang pagdeploy noong Abril sa Mindoro Oriental ng mahigit sampung kumpanya, na pawang hinugot mula sa iba’t ibang sulok ng bansa, ay pagpapakitang-galit ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa mamamayan ng Mindoro Oriental na nagpamalas ng pagsuporta at kamulatan kaugnay ng ginanap na pagpapalaya ng BHB sa bihag ng digma na si Major Noel S. Buan noong Abril 6, 2001.

“Napahiya nang todo at hindi matanggap ng mga militarista at terorisa sa GRP na may kakayahan ang Melito Glor Command na, sa loob ng 22 buwan, ay mahusay, maluwag at makataong (pangalagaan) ang isang bihag-ng-digma na nasa kategorya ni Buan,” ani Ka Roger.

Ilan lamang sa mga pinakahuling kaso ng mga berdugo ang pag-aresto, pananakit at sapilitang pagpapagiya sa apat na Mangyan noong Setyembre 27, iligal na pag-aresto sa dalawang kababaihan noong Setyembre 30, paghuli sa at pagkawala ng dalawang pinaghihinalaang myembro ng BHB noong Setyembre 7 at pananakit at pananakot sa isa pang sibilyang tumangging magsunud-sunuran sa mga sundalo noong Agosto.

Tinuligsa ng tagapagsalita ang todo-todong pag-endorso at pagsuporta ni Macapagal-Arroyo “sa kanyang mga terorista at mersenaryong sundalo” sa kabila ng ipinangangalandakan nitong “all-out peace”. Aniya, “Pinatutunayan ng nagaganap na malawakang militarismo at paglabag sa karapatang-tao na ang tunay na terorista ng sambayanang Pilipino ay ang reaksyunaryo at mersenaryong AFP at PNP… (at) commander-in-chief - ang punong tutang si - Macapagal-Arroyo.

Kinundena rin ni Ka Roger ang todo-suportang ibinibigay ni Macapagal-Arroyo sa terorismo ng imperyalistang US: “Ang Estados Unidos ng Amerika ang nangungunang terorista sa antas at saklaw ng pinupuksa at pinipinsala nito simula pa noong ikalabinsiyam na siglo at magpahanggang ngayon.”

Ani Ka Roger, habang lumalala’t lumalalim ang krisis pambansa’t pandaigdig, ang rebolusyonaryong kilusang masa ay magsusulong ng antiimperyalista at sosyalistang mithiin. Pagtatapos niya, “Ang rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ng Partido ay patuloy na lalaban sa anumang anyo ng terorismo at saan mang panig ito magmula.”###



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.