Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

306th PMG HG, sinalakay ng NPA
Oktubre 1, 2002

Bilang paggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa lahat ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao at bilang babala sa mga sagadsaring kontra-rebolusyonaryo, matagumpay na nilusob ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) ang 306th Provincial Mobile Group Headquarters sa Sampaloc, San Rafael Bulacan.

Tinatayang hindi bababa sa anim na tauhan ang kundi man patay ay sugatan. Isinagawa ang pananambang noong Setyembre 30, labinlimang minuto bago mag-alasdose ng hatinggabi habang nagsusugal ang mga tauhan ng PMG.

"Mahaba na ang listahan ng karahasan at pamiminsala nila sa mamamayan. Isinagawa ito bilang tugon sa reklamo ng mamayan sa pang-aabuso at paglabag ng tauhan ng PMG sa karapatang pantao sa pangunguna ng berdugong si Col. Fernando Villanueva at pakikipagsabwatan ni Gob. Josie Dela Cruz," pahayag ng Komiteng Larangan.

Ang masinsing operasyong militar ng PMG ay tinutustusan ng reaksyunaryong gubyerno, partikular ang lokal na pamahalaan, upang diumano'y durugin ang rebolusyonaryong kilusan na siyang sumasagka sa mga iligal at mapaminsala nilang operasyong isinasagawa sa lalawigan.

"Hinding-hindi nila makakayang gapiin ang layunin ng kilusang itaguyod ang kapakanan at interes ng masa. Lalo lamang nalalantad ang pagiging kontra-mamamayan ng reaksyunaryong gobyerno dahil lalong tumitingkad at tumitindi ang pang-aapi't pagsasamantala sa maliliit na mamamayan. Dahil dito, lalong lumalakas ang suporta ng masa sa rebolusyonaryong kilusan pagkat nagiging malinaw sa kanila kung sino talaga ang kanilang kakampi. Kaya naman, patuloy ang tagumpay ng mga taktikal na opensiba, patuloy ang paglawak at paglakas ng kilusan," pagwawakas ng Komiteng Larangan.###

Reference:






Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.