Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Di magagapi ng rehimeng Arroyo ang digmang bayan kahit suportahan pa ito ng teroristang US -- PKP
Oktubre 21, 2004

Binalewala ng Partido Komunista ng Pilipinas ngayong araw na ito ang deklarasyon ni GMA na suportado ito ng Estados Unidos sa pakikipaglaban nito sa armadong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.

Isinaisantabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng PKP ang mga pahayag ni Arroyo at itinuring itong hungkag na mga pagbabanta.

"Hindi ang suporta ng US, ang Numero Unong terorista sa daigig, ang magtatakda ng kalalabasan ng nagaganap na digmaang sibil sa Pilipinas. Ang magpapasya rito ay ang suporta ng sambayanang Pilipino," ani Rosal

"Sa usaping ito, ang Bagong Hukbong Bayan ay nasa estratehikong bentahe.Sa mabilis na paglala ng krisis ng naghaharing sistema, paparami-nang-paparami ang nakakakita sa pangangailangang ibagsak ang mapang-api at mapagsamantalang sistema," idinugtong pa niya.

"Parami nang parami ang mamamayang sumasama sa NPA habang ipinatutupad rehimeng Arroyo ang mga patakarang nagpapalubha at nagpapaibayo sa paghihirap ng sambayanang Pilipino. Masasabi ngang si Arroyo mismo ay rekruter ng NPA," pahayag ni Rosal. "Ang mga patakaran ni Arroyo ang nagtutulak sa mamamayan upang magsagawa ng pangmasang pagtutol at lumahok sa armadong rebolusyon."

Di tulad ng gubyernong Arroyo na kailangan umasa sa suporta ng US upaolng makapagsagawa ng kontrarebulosyonaryong digma, ang New People,s Army ay nakapagsulong ng rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka na umaasa sa sarili,paliwanag pa ni Rosal.

"Ang rehimeng Arroyo ang nakaasa sa kanyang ugnay sa internasyunal na teroristang US," sabi pa ni Rosal, na nagmumula sa pagsisinungaling ni Arroyo ng "growing ties" sa pagitan ng rebolusyonaaryong kilusan at ng tinatawag na mga internasyunal na mga teroristang grupo.

Bukod dito ay kinundena rin ni Rosal ang pahayag ni Arroyo ng paghingi ng suporta ng US sa kanyang kontrarebolusyonaryong digma nito na isang ganap na kawalan ng perspektibang istorikal at walang kahiya-hiyang pagbabalewala sa soberanya ng Pilipinas.

Hindi kayang gapiin ng papet na rehimeng Arroyo ang digmang bayan kahit na suportahan pa ito ng numero unong terorista sa mundo na Estados Unidos.

"Pinaslang ng imperyalistang US ang 1.5 milyong Pilipino sa digmaang Pilipino-Amerikano mula 1898-1913 at yumurak sa pambansang kalayaan ng mga Pilipino sa napakaraming pagkakataon sa nakaraan," pagtatapos ni Rosal.

Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.