Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
Read full statement   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Tiglao, mariing tinanggihan ng mga Tiamzon
Nobyembre 12, 2002

Sa isang pahayag na inilabas sa midya sa araw na ito, tinanggihan ng mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria ang "pakunwaring alok" ni presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao na "mag-usap hinggil sa kapayapaan".

Sina Tiamzon at Austria ay parehong kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sinasagot nila ang pahayag ni Tiglao noong 1 Nobyembre na nag-aalok ng pakikipag-usap kina Tiamzon at Austria. Sa pakunwaring pagsimpatiya, sinabi ni Tiglao na, "Nahahabag ako sa kanila" matapos niyang ituring ang mga itong "matatanda" at "sakitin na".

Binalewala nina Tiamzon at Austria ang "pakunwaring pagkahabag" sa pagsasabing "ang pagiging kapiling ng masa sa pakikibaka upang ibagsak ang mapang-api at mapagsamantalang sistema ay nagpapalakas sa aming rebolusyonaryong buhay at sigla."

Mariin nilang binatikos si Tiglao sa mga "mumurahing pagbatikos sa rebolusyonaryong kilusan at mga pinuno nito, pangunahin na kay Kasamang Jose Ma. Sison, at pangungutya sa aming patuloy at walang pag-aalinlangang komitment sa demokratikong pakikibaka ng sambayanan."

"Pinakamababa ang pagpapahalaga ngayon ni Tiglao sa kapayapaan man o sa pakikipagkaibigan habang dibdiban na niyang katrabaho ang klase nina Blas Ople, Angelo Reyes at Roilo Golez sa pagpapakulo ng saywar, pagpapasama sa rebolusyonaryong kilusan, pagwasak sa usapang pangkapayapaan at pagpapatindi sa armadong kontrarebolusyon nang may papalaking lantaran at pailalim na tulong at interbensyon ng mga pwersang US," sinabi ng mag-asawa.

Iginiit nila na "ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ay dapat isagawa sa pinakamataas na antas sa pamamagitan ng awtorisadong negotiating panel ng NDFP at anumang tangkang ikutan ito ay nangangahulugan ng pagkakasangkapan lamang sa usapang pangkapayapaan para sa taktikang divide and rule laban sa rebolusyonaryong kilusan, sa halip na paghahanap ng tunay na solusyon sa mga tunay na ugat ng armadong tunggalian."

Muli nilang iginiit na anumang "seryoso at sinserong pagsisikap para isulong ang prosesong pangkapayapaan ay nararapat lamang sumunod sa mga kasunduang nilagdaan ng GRP at NDFP simula pa noong 1992 hinggil sa kondukta ng usapang pangkapayapaan."###



Reference:






Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.