Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Ang todo-todong liberalisasyon ang nanggagatong sa pagkabalisa ng sambayanan -- PKP
Setyembre 14, 2003

Ang todo-todong liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan na itinaguyod ng gubyernong Pilipino simula pa noong 1995 ay nagdudulot ng malawakang pagkabalisa ng sambayanang Pilipino, laluna sa mga magsasaka sa kanayunan, sang-ayon sa Parido Komunista ng Pilipinas (PKP).

"Ang gubyernong Arroyo, alinsunod sa masugid nitong pangangayupapa sa imperyalismong US, ay nagbulag-bulagan sa mapaminsalang epekto sa mga manggagawa at magsasakang Pilipino ng mga patakarang liberalisasyong ipinataw ng World Trade Organizaion," sinabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng PKP sa isang pahayag kasabay ng mga kilos-protesta sa bansa at sa buong daigdig laban sa 5th Ministerial Meeting ng World Trade Organization sa Cancun, Mexico.

Sa kanyang pahayag, matindi ring kinundena ni Rosal paparaming brutal na panunupil ng pulisya sa anti WTO at antigubyernong mga martsa,mga rali at mga demonstrasyong inilulunsad ng mga magsasaka, mga manggagawa, malitang lunsod, mga istudyante at iba pang mga sektor. Nitong Setyembre 10, binatuta ng mga pulis ang mga nagpo-protesta laban sa WTO na nagmamartsa sa kahabaan ng Taft Avenue malapit sa city hall ng Maynila. Isinisi ni Rosal ang pasismo ng Malakanyang sa pinaiiral nitong patakarang buwagin ang mga anti-gubyernong protesta.

"Ang pagsusulong ng liberalisasyon sa nakaraang sampung taon ang lalung nagpalala sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema sa Pilipinas," ani Rosal. "Nagdulot ito ng marahas na pagwasak sa mga produktibong pwersa. Naging sanhi ito ng malawakang dislokasyon sa hanay ng mga manggagawa at nagtulak ng napakataas na tantos ng kawalang-hanapbuhay at ng grabeng pinsala sa buhay ng mga magsasaka na nagbunga ng malawakang pagkagutom at pagkabalisa sa kanayunan."

"Ang mabilis na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusang masa sa nakaraang sampung taon ay tiyakang nakaugnay sa kalitatibong paglala ng krisis pang-ekonomyang dulot ng pagbwelo ng liberalisasyong ipinataw ng WTO simula 1995." dagdag ni Rosal. Araw-araw ay daang mga tao ang natutulak sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka dahilan sa di makayanang krisis na bunga ng imperyalistang 'malayang pamilihang globalisasyon'."

Sinabi ni Rosal na ang rekord ni Arroyo simula nang ito ay senadora hanggang sa kasalukuyan ay konsistenteng anti-Pilipino at maka-imperyalismo. Ipinaaalala niya na itong si Arroyo ang siyang nagtulak ng ratipikasyon ng General Agreement on Tariffs and Trade at pagsapi ng Pilipinas sa World Trade Organization.

"Sa pagiging masugid at lubos na papet ng imperyalismong US, itinulak ni Arroyo ang pagpawi sa taripa nang nauna pa sa takdang pagpapatupad nito." sabi ni Rosal. "Isa siyang panatiko sa globalisasyon sa panahong nagkakaroon na ng konsensus sa mundo na itigil na ang walang habas na liberalisasyon."

"Ang pagkapapet ni Arroyo ang isa sa mga prinsipal na dahilan na nag-udyok ng malawakang panawagan sa pagpapatalsik sa kanya."

Sinabi ni Rosal na dapat makibaka ang sambayanan para sa kagyat na pagkalas ng bansa sa World Trade Organization at ang mismong pagbuwag sa WTO mismo, at gayundin ang pagpapawalang bisa sa lahat ng di pantay na kasunduan sa negosyo at ekonomya sa US at Japan. Nanawagaan siya ng pagtigil sa todong liberalisasyon ng ekonomya.

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na ang rehimeng Arroyo at ang buong naghaharing sistema ay hindi talaga interesado sa pagtatamo ng tunay na pambansang industriyalisasyon at kasarinlan sa ekonomya. "Interesado lamang silang higit pang pang-aapi at pagsasamantala sa masang Pilipino upang pumiga ng mas malalaking tubo para sa kanilang walang-kabusugang dayuhang imperyalistang amo." ###

Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.