Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

Panagutin ang Reaksyonaryong Gubyerno sa Malawakang Pinsala ng Bagyo sa Mamamayan at Kalikasan

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Disyembre 15, 2004

Ang Gubyerno ng Republika ng Pilipinas ang dapat na managot sa malaking pinsalang tinamo ng mamamayan dulot ng walang habas na pananalasa sa kalikasan ng mga malalaking magtotrosong lokal at dayuhan.

Panahon pa ng kolonyalismong Amerikano ay nagsimula nang dambungin ng mga imperyalistang Amerikano, mga bulok na pulitiko at mga tauhan ng republikang tuta ng US ang likas na yaman ng ating bansa.

Malaking kasinungalingan at karuwagan ang pahayag ng presidente ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas na ibaling sa New People�s Army ang kasalanan sa pagtotroso. Kung wala ang rebolusyonaryong kilusan na humahadlang sa pandarambong ng imperyalista at lokal na naghaharing uri sa kalikasan, tiyak na mas malaking kalamidad sa buhay at ari-arian ng mamamayan

May makauring patakaran ang CPP-NPA-NDF sa pangangalaga ng kalikasan. Naninindigan ito na ang kagubatan at kalikasan ay dapat na pangunahing magsilbi sa interes ng mamamayan. Ipinagtatanggol at pinapangalagaan ito alang-alang sa kapakanan, pangangailangan, kaligtasan at kinabukasan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ng masa ng sambayanan.

Lubos na ipinagbabawal at pinarurusahan nito ang korporadong pagtotroso ng mga dayuhang kapitalista, malalaking burgesya kumprador, at mga burukrata kapitalist, sa mga lugar na may sapat nang inabot na lakas sa pulitika at militar ang Partido, Hukbong Bayan at Demokratikong Gubyernong Bayan.

Kinikilala nito ang karapatan ng masa na pakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa. May kaakibat itong pananagutang magpalaganap ng edukasyon sa mga masa sa pangangalaga ng kalikasan upang mapaglingkod ito sa kanila at sa mga susunod pang henerasyon. Isinasaayos nito ang mga paraan upang maging kontrolado, ang pagtotroso ng masa; sa gayon hindi sila magumon sa pangangahoy bilang hanapbuhay.

Alinsunod dito, ang tanging ipinapahintulot lamang ay ang makatuwiran (judicious) na gamit ng likas na yamang kahoy para lamang sa pambahay ng mamamayan sa lugar at sa mahigpitang pangangailangang pang-emergency (halimbawa, pang-medikal) ng komunidad at para sa mga pangangailangan sa paggawa ng tulay, paaralan at pagamutan ng mamamayan. Ang mga ito ay dapat may kaukulang pahintulot ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika may saklaw sa lugar.

Ang tumpak na patakarang ito ay ganap na kabaliktaran sa patakaran ng reaksyunaryong gubyerno. Ibinubukas nito ang gubat sa malawakang pagtotroso at nitong huli, sa walang-patumanggang pagmimina ng mga imperyalistang dayuhan at malalaking burgesyang kumprador na tiyak na magdudulot ng walang kaparis na panganib sa mamamayan.

Ang GRP ang may pahintulot sa pagtotroso na pamamagitan ng Timber License Agreements sa daan-daang libong ektarya ng kagubatan ng Sierra Madre at iba pang kagubatan sa bansa na ipinasaklaw sa mga konsesyonaryong lokal at dayuhan sa pakikipagsabwatan sa malalaking pulitiko katulad ng Dinastya Dy. Ito ang nagbibigay ng proteksyon sa mga loggers sa kabila ng kanilang lantarang pagsasamantala at paglabag nang lampas-lampas sa saklaw ng kanilang mga konsesyon.

Ang mga malalaking logging companies na pinapahintulutan ng reaksyonaryong gubyerno ang notoryosong nangwawasak sa libu-libong ektarya ng gubat sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ang mga loggers at protektor ng mga logging companies sa Cagayan Valley ay sina Juan Ponce Enrile, dating Presidente Fidel Ramos, Junie Cua, at ang dynastiyang Dy. Pag-aari ng dynastiyang Dy ang Pacific Timber Exporters Corporation (PATECO) na siyang kasalukuyang lumulubos sa pagkakalbo at paninira ng kagubatang Sierra Madre. May pahintulot ito mula sa gubyerno na magtroso ng hanggang taong 2007.

Dahil sa malawakang pagtotroso at pagmimina, nabibingit sa panganib ang kalikasan at lubhang naaapektuhan ang buhay at kinabukasan ng mamamayan. Sa katunayan, ang pagkalbo sa gubat ang isa sa mga pangunahing sanhi ng mga kalamidad na sumasalanta sa ngayon sa buo-buong komunidad at sa agrikultural na produksyon tulad ng madalas na pagbaha mahahabang tagtuyot, pagguho ng mga bundok at pagkatuyo ng mga sapa at ilog.

Halos isang bilyon ang sinira ng bagyong Harurot sa kapatagan ng Cagayan Valley noong nakaraang taon 2003 dahil sa malawakang pagbaha dahil sa mga biglaang paglalabas ng tubig ng Magat River Irrigation Project. Daandaang milyon din ang napinsala ng bagyong si Igme dahil sa flashfloods at pagguho ng mga kabundukan sa Sierra Madre nitong Hulyo. Halos isang bilyon din ang napinsalang kabuhayan at ari-arian sa rehiyon sa magkakasunod na bagyong Igme, Unding, Winnie at Yoyong dahil sa pagguho ng mga nakakalbo nang mga bundok At ang pagpapalabas ng tubig ng mga dam nang walang pasintabi.

Nagbabadya din ng delubyo sa mamamayan ng pagsusulsol ng rehimen na buksan at itayo ang minahan sa buong bansa. Sa Cagayan Valley, nagiging madulas na ang pagpapatuloy ng ARIMCO mining sa Quirino at Nueva Vizcaya; at ang coal mining project ng PNOC at mga dayuhang prinsipal nito sa forest region ng mga bayan ng Cauayan, Naguilian at Benito Soliven. Tiyak ang malawakang pang-aagaw sa mga sinasakang lupa at ang malaking pinsala sa kalikasan. Ang lignite na miminahin ang pinakamaruming grado ng karbon sa mundo � lalason sa kalupaan, katubigan at kalawakan.

Hindi rin lingid sa lahat na gumagamit ang mga malalaking trosohan ng mga regular na sundalo ng AFP, CAFGU at goons para sa kanilang proteksyon. Taun-taon mula pa dekada otsenta ay nagbibigay ito komisyon sa pamunuan ng 5th ID na nakabase sa Cagayan Valley at 7th ID na nakabase sa Central Luzon.

Bukod sa natatanggap na komisyon sa mga trosohan, ang AFP ay sangkot din sa illegal na pagtotroso sa Maconacon, sa Dinapigue, sa Masipi, Cabagan, sa San Mariano sa probinsya ng Isabela; sa Rizal, Lasam, Piat, Sto. Nino at Baggao sa probinsya ng Cagayan; Marag Valley sa probinsya ng Apayao. Sa katunayan, mumo lamang ang lehitimong sinusuweldo ng mga kumander ng AFP at iilang pinapaborang tauhan nila kung ihahambing sa ibinubulsa nilang payola mula sa ligal at illigal na pagtotroso at sa diumano�y pang�huhuli� nila ng mga kahoy.

Sa kabilang banda, ang NPA, alinsunod sa rebolusyonaryong prinsipyo ng pangangalaga sa kalikasan at kagalingan ng mamamayan, nagpapatupad ng mabibigat na mga aksyong pagparusa para tuluyang itigil ang kanilang operasyon.

Matagumpay na naipatigil nito ang pagtotroso sa probinsya ng Cagayan sa pamamagitan ng kumbinasyon ng malakas na kilusang masa at mapagpasyang aksyong militar ng NPA. Nagtamo ng napakalaking pinsala sa makinarya at napahinto ang mga kroni ni Marcos katulad ni Alfonso Lim at Enrile na kumokontrol sa eksploytasyon ng kagubatan ng Marag at kanugnog noong dekada 80 at 90 na sumasaklaw sa daan-libong ektarya ng kagubatan sa Apayao. Ganap na ipinatigil ang Liberty Logging Corporation nang sinunog ang lahat ng makinarya nito sa Jones, Isabela noong Setyembre 2000. At ang PATECO nang sinunog ng NPA ang makinarya nitong 20 logging trucks na punumpuno ng mga troso, 2 buldoser at iba pa noong December 7, 2003.

Tanging ang rebolusyonaryong kilusan ang may matatag na paninindigang pampulitikang ipatupad ang pagpapatigil sa mapaminsala at walang habas na pagtotroso sa kagubatan. Pamalagiang tungkulin nito na alagaan ang kalikasan para sa kapakinabangan, kagalingan at kinabukasan ng mas malawak na mamamayan sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon. Tanging ito lamang, hindi ang GRP, ang may dalisay na motibo para tiyakin ang hangaring ito.

Hindi pag-unlad kundi pagkawasak, hindi tulong sa kabuhayan kundi ibayo pang karukhaan ang idinudulot ng pagtotroso at pagmimina. Nagkakaisa ang mga kinatawan ng gubyerno at mga konsesyonaryo sa lantay na panloloko sa pagsasabing ang korporado (o ligal) na pagtotroso at pagmimina daw ay hindi nagdudulot ng pinsala bagkus, nangangalaga pa ng kalikasan at maghahatid ng kalsada, trabaho, reporestasyon, at iba pang hangal na pangako. Pangako na nila ang mga ito ilang dekada na ang nagdaan sapul nang simulan nilang kalbuhin ang gubat sa lugar.

Sa gitna ng pinsala at kalamidad, nananawagan ang CPP-NPA-NDF Cagayan Valley sa rebolusyonaryong puwersa at sa mamamayan na panghawakan ang sumusunod:

  • Paganahin natin ang mga nakatayong rebolusyonaryong organisasyong masa at mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa baryo at tipak upang matiyak ang pagpapatupad sa mga regulasyon at batas ng Demokratikong Gubyernong Bayan hinggil sa pangangalaga ng kalikasan

  • Abutin ang pinakamalawak na bilang ng mamamayan, magbuo ng mga organisasyon at mga alyansa. Maglunsad ng mga edukasyon at propaganda, at magpakilos para sa kabutihan ng mamamayan at pangangalaga ng kalikasan;

  • Gumampan at mag-ambag sa pagbibigay ng tulong at rehabilitasyon sa produksyon, kabahayan at imprastruktura baryo; at iba pang mga tulong sa mga napinsalaan.

  • Ipatupad ang demokrasyang bayan sa pagpasa at pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagkuha ng kahoy ng tagabaryo at dayo; pagtatanim sa mga uma at kaingin; pangangalaga sa mga sapa, bukal at at iba pang anyo ng pangangalaga sa kalikasan.

  • Maglunsad ng organisado at planadong pagtatanim ng kahoy laluna sa mga watershed areas;

  • Tutulan at hadlangan ang mapandambong at mapaminsalang pagmimina; coal mining project at iba pang proyekto ng

  • Ilantad at singilin ang rehimen sa kasalatan ng relief sa mga napinsalaan ng mga kalamidad!

  • Isakdal ang Magat River Irrigation Project sa malawakang pinsalang dulot nito sa mga magsasaka!

  • Huwag hayaang maulit ang Ormoc, Aurora at Quezon sa Cagayan Valley! Ilantad at tutulan ang korporadong paglologging!

Panagutin natin ang kasalukuyang rehimeng kinakatawan sa ngayon ni Presidente Macapagal-Arroyo sa kasalukuyang kahirapan at pinsala sa buhay, bukirin, ari-arian at buu-buong pamayanan na dinaranas ng mamamayan!

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.