Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag sa Pagpaslang ng 22nd Infantry Batallion ng Philippine Army kay Maria Graziella �Ka Sisa� Miranda

Florante Orobia
Santos Binamera Command
New People's Army
Albay
Hunyo 25, 2001

Mariing kinukundena ng Bagong Hukbong Bayan ang makaberdugong pagpaslang ng mga elemento ng 22nd Infantry Batallion ng Philippine Army kay Maria Graziella Miranda noong Hunyo 10, 2001 sa Sitio Tugawe, Barangay Bolulo, Guinobatan, Albay.

Si Ka Sisa ay pinaslang matapos mahuli ng buhay ng mga sundalong lumusob sa himpilan ng Bagong Hukbong Bayan. Maaga siyang nagising noong umaga ng Hunyo 10 nang mahuli ng buhay ng mga sundalong nakapusisyon na sa paligid ng himpilan at naghihintay ng pagkalat ng liwanag upang umatake sa mga kasama. Sa kanyang paglaho ay naalarma ang mga mandirigma ng BHB sa kampuhan at dinagtagal ay nagkaroon ng labanan na umabot hanggang alas-siyete ng umaga. Ligtas na nakaatras ang mga mandirigma habang nasawi naman ang dalawang kasapi ng Philippine Army at marami ang nasugatan.

Nasa kamay na ng mga sundalo si Ka Sisa bago pa man nagkaroon ng labanan kaya hindi totoong namatay siya sa mga tama ng bala mula sa assault helicopter ng Phil. Air Force tulad ng naging pahayag ni Col. Dante Bonifacio ng 202nd Brigade. Malinaw na si Ka Sisa ay nasa katayuang hors de combat o katayuang hindi na maaaring lumaban, at kung gayon ay isang bihag ng digma. Siya ay pinaslang ng walang kalaban- laban upang makaganti ang mga sundalo sa pagkasawi ng dalawa nilang kasamahan at pagkapinsala ng marami pang iba samantalang sila ang nasa opensibang aksyon ng pagkubkob.

Ito ay lansakang paglabag sa Kumprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang Pantao at Internasyunal na Makataong Batas (CARHRIHL) na pinagtibay ng NDFP at GRP. Salungat din ito sa naging mahusay na pagtrato ng Bagong Hukbong Bayan sa mga nabihag nitong sina Martin at Buan, at sa mga kasapi ng PNP at Phil. Army na nahuli ng BHB sa iba�t ibang taktikal na opensiba sa Bikol ngunit agad ding pinalaya. Dapat managot at parusahan ang mga upisyal at kasapi ng 22nd IB-PA na may kagagawan sa krimeng ito.

Nananawagan ang Bagong Hukbong Bayan sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala ni Ka Sisa/Grazie at sa mga mamamayan na itransporma sa rebolusyonaryong paninindigan ang kanilang pighati at pagdadalamhati. Si Ka Sisa ay isang mahusay na kadre ng Partido at BHB kung kaya�t nararapat lang na bigyan siya ng parangal at pagpupugay. Siya ay dating mag-aaral at aktibista sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at aktibong nag-oorganisa ng mga Bikolano sa iba�t ibang unibersidad sa Kamaynilaan bago siya nagpultaym sa BHB noong Hulyo 2, 1998. Siya ay isang mahusay na halimbawa ng isang tunay na iskolar ng bayan at dapat na tularan. Si Ka Sisa ay di-makasariling nag-alay ng kanyang talino at lakas sa paglilingkod sa masang inaapi at pinagsasamantalahan hanggang sa maging kapalit ay ang kanyang buhay. Mananatiling buhay si Ka Sisa sa piling ng mga magsasaka�t mandirigma sa Albay. Ang kanyang mga awit at halakhak at mga rebolusyonaryong mithiin ay nakatimo sa diwa�t isipan ng masa. Higit sa lahat, nagbibigay ng higit na tatag at inspirasyon sa bawat rebolusyonaryo ang kanyang kabayanihan upang lalong magpursige hanggang sa tagumpay ng digmang bayan.

Mga kabataan at aping mamamayan, lumahok sa digmang bayan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan hanggang sa tagumpay!

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.