Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Bigwasan ng Malalakas na Hambalos ang Inutil na Rehimen, Maglunsad ng mga Taktikal na Opensiba!

Jose Buenaobra
Spokesperson
Romulo Jallores Command
New People's Army
Oktubre 31, 2004

Nananawagan ang Panrehiyong Kumand sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan - Bikol sa lahat ng kumand at yunit ng BHB sa rehiyon at sa mamamayan na bigwasan ng malalakas na hambalos ang inutil na rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng malalaki at maliliit na taktikal na opensibang kayang ipagwagi.

Matagal na itong hinihiling ng mamamayan sa gitna ng lubhang pagsahol ng kahirapan at pang-aaping dinaranas ng mamamayan sa ilalim ng walang katulad na pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Macapagal-Arroyo at mga dayuhang monopolyo-kapitalista sa bansa.

Sukdulan na ang kahirapang pinapasan ng mamamayan. Wala na silang ibang masulingan kundi ang rebolusyonaryong paglaban at naghahangad ng rebolusyonaryong pagbabago sa buong sistemang panlipunan.

Ang matutunog na taktikal na opensiba ng hukbong bayan ay magsisilbing malakas na suportang pulitikal at mag-eengganyo sa mga kilos-protesta ng mamamayan upang pabagsakin ang rehimeng Macapagal-Arroyo.

Kailangang targetin ng mga yunit ng BHB ang mga sagadsaring yunit at opisyal ng Armed Forces of the Philippines at CAFGU na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen sa mamamayan, notoryosong tagalabag ng karapatang-pantao, at direktang sangkot sa malalaking kaso ng katiwalian, korapsyon, at kriminalidad. Kabilang din sa target ang mga yunit ng Philippine National Police na grabe ang katiwalian at aktibo sa kontra-insurhensyang operasyon ng gubyerno.

Laganap ang demoralisasyon sa hanay ng AFP dahil sa nakasusulasok na amoy ng katiwalian at engrandeng pagtatakip ng kanilang mga upisyal at ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Apektado rin ito ng malubhang krisis sa pananalapi ng reaksyunaryong gubyerno, kung kaya't nalilimitahan ang kakayahan nitong umatake sa rebolusyonaryong kilusan.

Hinihikayat ng Romulo Jallores Command ang mga karaniwang sundalo at nakababatang upisyal na naghahangad ng reporma at pagbabago sa organisasyon ng militar na makipag-ugnayan sa rebolusyonaryong kilusan para sa iba't ibang antas ng pagtutulungan sa kagyat at sa pangmatagalan.

Maaari kayong magbuo ng mga hayag at lihim na organisasyon at isulong ang inyong mga kahilingan. Sa maksimum ay maaari kayong tumiwalag sa AFP at sumanib sa mga yunit ng BHB na tunay na naglilingkod sa mamamayang api at nagsusulong ng rebolusyonaryong pagbabago ng lipunan.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.