Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag sa Pagpaparusa kay Pepito "Jack" Marco

Armando "Ka Ruben" Guevarra
Tagapagsalita
Narciso Antazo Aramil Command
New People's Army-Rizal
Enero 20, 2004

Matagumpay na pinarusahan ng mga operatiba ng Yunit Partisano ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-RIZAL) si G. Pepito "Jack" Marco, 43 taong gulang, may asawa, may 4 na anak at nakatira sa Sitio Lukutang Malaki, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Inisparo siya kaninang ika-10 ng umaga sa kanilang lugar malapit sa kampo militar ng Charlie Company, 1st IB-Philippine Army.

Si Jack Marco ay hinatulan ng Rebolusyonaryong Hukumang Bayan ng parusang kamatayan dahilan sa kanyang mga sumusunod na kaso laban sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan:

  1. Sagad-saring kontra-rebolusyonaryo � Si Jack ay aktibo sa gawaing kontra-rebolusyonaryo sa bayan ng Rodriguez. Isa siya sa mga bayarang asset ng PNP at Philippine Army na aktibong naniniktik sa mga gawain ng rebolusyonaryong kilusan. Siya ay miyembro ng Barangay Intelligence Network (BIN) na itinatag ng mga berdugong militar para sa kanilang programang kontra-insurhensya na naglalayong durugin ang rebolusyonaryong kilusan at supilin ang anumang paglaban ng mamamayan para sa kanilang mga lehitimong karapatan.

    Bilang kasapi ng BIN, regular siyang nagrereport sa kampo ng militar at pulisya na nakabase sa bayan ng Rodriguez ng anumang natutunugan niyang aktibidad ng kanyang pinaghihinalaang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan. Dahilan sa kanyang mga pag-uulat sa militar ay makailangag beses nang muntik na mapalaban ang mga tropa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na kumikilos sa nasabing bayan.Bago siya naparusahan ay aktibong nagpapagamit at nagbibigay ng kanyang serbisyo si Jack sa mga berdugong Militar at Pulisya

  2. Sagadsaring kontra-mamamayan � Si Jack ay matagal na ring isinusuka ng mga kababaryo niya dahilan sa kanyang pagiging kontra-mamamayan. Marami na siyang binugbog na mga kababaryo niya anumang oras na makursunadahan niya. Si Jack ay sangkot sa pagpatay sa kanilang probinsya na kanyang tinakasan nang siya ay pumunta sa bayan ng Rodriguez.

  3. Pinagsasamtalahan din ni Jack ang kanyang mga kababaryo niyang magbuobuolder o mga naghahakot ng malalaking bato sa ilog para ibenta. Hindi niya binabayaran ang mga tao ayon sa takdang presyo ng naipong bato at ang malaking bahagi ay kanyang kinikikil at ibinubulsa.

  4. Pangungulimbat/Ekstorsyon sa mamamayan � Sangkot din si Jack sa malaganap na pangungulimbat at ekstorsyon sa mga mamamayan at mga negosyante ng Bayan ng Rodriguez, Rizal. Ilegal na ginagamit nito ang pangalan ng Bagong Hukbong Bayan at nagpapakilalang kasapi ng NAAC-NPA-Rizal sa gawaing ito. Layunin nito na sirain ang magandang prestihiyo ng Bagong Hukbong Bayan na pinalilitaw nitong mga sindikato. Marami-rami ring negosyante at mamamayan ang nabiktima ng pangngulimbat ni Jack. Alam ng mga military ang gawaing ito sablit hindi nila inaaresto si Jack dahil pinapartehan sila ng nakukulimbat nito.

    Matagal na sanang naigawad ang parusa kay Jack pero binigyan pa rin siya ng rebolusyonaryong kilusan ng pagkakataong magpanibagong buhay. Mahigit na limang taon ang ibinigay sa kanya at tatlong beses siyang binabalaan ng kilusan para magbagong buhay na at iwanan na ang kanyang mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-mamamayang gawi subalit binalewala niya ito. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpapagamit sa mga berduong militar bilang bayarang ahente sa paniktik.

    Ang pamamarusang ito kay Jack ay magsilbing babala sa kasapi ng BIN sa bayan ng Rodriguez at sa buong lalawigan ng Rizal. TUMIGIL NA KAYO sa pagpapagamit sa mga berdugong militar. Asikasuhin ninyo ang inyong kabuhayan at mamuhahay ng tahimik. Binibigyan namin kayo ng pagkakataong magbago.

    Binababalaan din namin ang mga ex-NPA at ang mga kasapi ng CAFGU sa mga baryo sa lalawigan ng Rizal na huwag kayong magpagamit sa mga militar para apihin at pagsamantalahan ang kapwa ninyo maralita. Ginagamit lang kayo ng militar na pambala sa kanyon dahil ayaw nila na sila ang unang mapipinsala sa paglaban sa NPA kaya�t kayo ang pinauuna sa mga operasyong militar. Itigil na ninyo ang pakikipagtulungan sa kaaway ng mamamayan habang may panahon pa. Hinihikayat namin kayong makipag-uganayan at sumuko sa BHB para malinis ang inyong pangalan. Ang pagbalewala niyo sa babalang ito ay maaring humantong sa nangyari kay Jack. Hindi niyo matatakasan at aabutin din kayo ng mahabang kamay ng rebolusyon sa oras na nagpatuloy kayo sa pagpapagamit sa kaaway laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan..

    MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
    MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
    MABUHAY ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PRENTE NG PILIPINAS!
    MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!


    Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.