Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Tanging ang imperyalismong US at rehimeng Macapagal-Arroyo ang nakikinabang sa pagpapasabog ng bomba sa Zamboanga

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 18, 2002

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pinakahuling insidente ng pagpapasabog ng bomba sa lunsod ng Zamboanga. Ipinaaabot din namin ang aming lubos na pakikidalamhati sa lahat ng naulila ng mga nabiktima.

Walang ibang nakikinabang sa pagpapasabog ng bomba sa Zamboanga kundi ang imperyalismong US at ang rehimeng Macapagal-Arroyo.

Puspusang ginagamit ngayon ng rehimeng Macapagal-Arroyo upang itulak nang husto ang pagsasakatuparan ng pasistang patakarang national ID system. Gayundin, isinasangkalan ng rehimen ang pambobomba sa Zamboanga, pati na sa Bali, Indonesia, upang igiit ang pagpapatibay ng batas na "anti-terorismo".

Isinasangkalan naman ng US ang mga pagpapasabog ng bomba at mga diumano'y banta ng pagpapasabog upang bigyang-katwiran ang patuloy na presensyang-militar nito sa bansa; at upang muling bigyang-bwelo ang pumupugak-pugak na teroristang gera nito. Ang pambobomba sa Bali ay ginagamit ngayon ng US upang dahan-daha'y alisin sa poder si Pres. Megawati Sukarnoputri, na lubos na kinaiinisan ni Bush dahil hindi ito basta-basta sumusunod sa mga dikta niya--di tulad ng maasahan niyang tuta sa Pilipinas na si Macapagal-Arroyo.

Sa paghahanap ng salarin sa mga pambobomba sa Zamboanga at Bali, huwag nating kakalimutan na sa kasaysayan, marami nang kaso ang US sa paggamit ng maruruming taktika at mga sikretong operatiba na hindi nahahangganan ng anumang batas o alituntunin. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.