Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pag-aalok ng US ng milyong dolyar na pabuya sa Abu Sayaff, sampal sa gubyerno at sandatahang lakas ni Arroyo

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Hunyo 01, 2002

Ang paglalaan ng imperyalista at teroristang Estados Unidos ng US$5 milyong para sa anumang impormasyong magtuturo hanggang sa mahuli ang mga pinuno ng Abu Sayaff ay isang malaking insulto at sampal sa paghahambug ng punong papet na si Gloria Macapagal Arroyo at ng kanyang mersenaryo at teroristang Armed Forces of the Philippines. Ngunit palibhasa�y makakapal at manhid na ang pagmumukha ng mga pusakal na tuta, wala nang halaga kina Macapagal Arroyo, Angelo Reyes, Roilo Golez at iba pang tulad nila, ang pambabastos, pagbabalewala at pagyurak ng US sa soberanya at pambansang integridad ng Pilipinas. Ang pagtatampo at pagmamaktol nina Guingona at Afable sa ginawi ng US na tuwirang pakikialam sa panloob na suliranin ng bansa ay nilunod ng walang kahihiyang pagtanggap at pagpuri ng tambalang Macapagal Arroyo at Angelo Reyes sa hakbang na ito ng US. Ni hindi pa nga malinaw ang mekanismo ng �alok na pabuyang ito� ay nagkorus na sa pagtanggap at pagpuri dito ang mga sagad-sagarang tuta at mersenaryo at mga tiwali sa rehimeng Macapagal Arroyo nang walang pagsasaalang-alang sa implikasyon nito sa soberanya at pambansang integridad ng Pilipinas at kung ito nga ba ang tunay na solusyon tungo sa pagpuksa sa bandidong pangkating Abu Sayaff.

Pinatutunayan din ng desperadong hakbanging ito ng imperyalistang US ang pagiging bigo, inutil, bangkarote at walang silbi ang ipinangangalandakang gera laban sa �terorismo� ng mga pusakal na mga tutang gaya nina Macapagal Arroyo at Angelo Reyes at ng kanilang amo at dinidiyos na si George Bush. Lalung lumilinaw na hindi Abu Sayaff ang tunay na layunin ng nagpapanggap na joint military excercise sa Basilan kundi ang tuwirang pakikialam sa panloob na suliranin ng bansa at malinlang ang mga mamamayan tungo sa matagalan at tuluy-tuloy na pananatili at pakikialam ng tropang militar ng US sa Pilipinas.

Ang pagkakaloob ng �pabuya� ay palaging ginagamit na paraan ng mga reaksyunaryo, terorista at pasistang pamahalaan laban sa kanilang mga kalaban. Sa nakaraan at maging sa kasalukuyan ang ganitong paraan ay walang nagiging makabuluhang resulta. At lalung hindi ito garantiya na malulutas ang kasalukuyang problemang dulot ng bandidong grupong Abu Sayaff. Malabong magtagumpay ang ganitong hakbang na nakaasa sa paghuhudasan ng isang organisasyon kahit na ito pa ay bandidong pangkat na tulad ng Abu Sayaff.

Palibhasa�y ang gubyernong Macapagal Arroyo ay papet, tiwali hanggang kaibuturan at nabubuhay sa paghuhudas sa sambayanang Pilipino at paghuhudasan sa isa�t-isa, walang kakurap-kurap nilang ipinaghahambug na ang hakbang na ito na ang tatapos sa Abu Sayaff. Ganito rin ang kanilang sinasabi sa paglalaan ng pabuyang salapi sa ikahuhuli ng mga pinuno ng NPA at MILF. Palibhasa, ang nakararaming pinuno ng papet na gubyerno at mersenaryong AFP ay mga hudas, tiwali at mukhang salapi, inaakala nilang ang ordinaryong mamamayan ay katulad din nila.

Ang malawak na masa ng sambayanan sa batayan (basically) ay mabubuti. Minorya lamang ang mga utak-hudas, tiwali at mukhang salapi na katulad ng mga papet, mersenaryo at terorista sa rehimen ni Gloria at kanyang AFP.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.