Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ang terorismo at pagkapapet ng "anti-teroristang" rehimeng Macapagal-Arroyo

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 26, 2001

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga terorista, pasista at todo-todong papet na hakbanging nais ipatupad ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa ngalan ng pagsuporta sa imperyalistang International Counter-Terrorist Coalition. Pinatutunayan ng rehimeng Macapagal-Arroyo na nakahanda itong magpakatuta nang husto sa imperyalismong US kahit pa sa kapinsalaan ng mamamayang Pilipino.

Kabilang sa mga hakbanging ito ang muling pagbubuhay ng National ID system na makailang ulit nang nilabanan at binasura ng mamamayang Pilipino. Ang National ID system ay isang teroristang hakbanging nagkukubli sa likod ng bandila ng "anti-terorismo". Hangarin nitong takutin ang mamamayan, mahigpit na kontrolin at subaybayan ang kanilang bawat kilos at kibot.

Mahigpit ding tinutuligsa ng Partido ang mga hakbanging todo-todong nagbubukas ng Pilipinas sa paggamit ng mga imperyalistang tropang panalakay. Hindi na nahiya si Macapagal-Arroyo sa mamamayang Pilipino sa pag-alok nito sa US na gamitin ang ating himpapawid at mga pasilidad bilang daanan o lunsaran ng mga operasyon ng US. Gayundin, walang kahihiyang ipinahayag ni Macapagal-Arroyo ang kahandaan nitong magpadala ng mga tropa saanman at kailanman hingin ng imperyalismong US.

Kakoro ng imperyalismong US, ginagamit ngayon ng rehimen ang "anti-terorismo" bilang pangkalahatang pangatwiran sa mga pagsasakatuparan ng mga mapanupil at anti-mamamayang hakbangin. Walang duda na itong mga teroristang hakbanging "anti-terorismo" ay gagamitin ng rehimeng Macapagal-Arroyo laban sa mamamayan.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.