Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino Bisaya
   

DAPAT PAREHONG KUNDENAHIN ANG PANANALAKAY NA NAGANAP SA NEW YORK AT WASHINGTON D.C. AT ANG TERORISMO NG IMPERYALISMONG U.S. NA ARAW-ARAW NA IPINALALASAP SA MAMAMAYAN NG BUONG DAIGDIG

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 15, 2001

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo) ang hindi kinakailangang pagkamatay ng maraming mga inosenteng sibilyang dulot ng pagpapabagsak sa World Trade Center Building sa New York City at sa gusaling Pentagon sa Washington D.C. at ang pagpapabagsak sa isa pang eroplano sa Pennsylvania sa US.

Nakikiisa kami sa pagdadalamhati ng mga naulila ng mga inosenteng biktima ng pananalakay na ito.

Ngunit kaalinsabay nito ay dapat ding kundenahin at labanan nang puspusan ang masahol pang mga terorismong araw-araw na ginagawa at inilulunsad ng imperyalismong US laban sa mga mamamayan sa buong daigdig. Huwag nating kalilimutang milyun-milyon hanggang bilyon ang araw-araw na biktima ng pananamantala at terorismo ng imperyalismo sa pangunguna ng gubyernong US.

Napakarami na ang biktimang mga inosenteng mamamayan ng mga sumusunod:

  1. walang habas na agresyon ng US sa Iraq at sa iba pang bayang hindi sumusunod sa mga imperyalistang patakaran;
  2. �blokeyong pang-ekonomya� ng US laban sa mga bansang gaya ng Hilagang Korea at Cuba;
  3. makasaysayang pananakop ng Israel sa lupain ng mga Palestino sa Middle East, na inudyukan at patuloy na itinataguyod ng US at Great Britain; at,
  4. sapilitang pagpapairal ng mga patakaran ng imperyalistang �globalisasyon� at iba pang patakarang neokolonyal sa mga kolonya at neokolonya ng US, na nagdudulot ng patuloy na pagkasadlak sa kahirapan, gutom at sarisaring pang-aapi sa nakararaming mamamayan ng daigdig.

Ang mga ito ang tunay na dahilan at ugat kung bakit, liban pa sa mga naglulunsad ng rebolusyon, mayroon ding mga grupong determinadong maglunsad ng mga pananalakay na katulad ng isinagawa sa syudad ng New York at Washington D.C. Hindi sinasang-ayunan ng rebolusyonaryong kilusan ang ganitong paraan ng paglaban sa imperyalismo at reaksyon.

Rebolusyonaryong pakikibaka ng lahat ng pinagsasamantalahan at inaapi ng imperyalismong US at iba pang reaksyon ang kailangang ilunsad ng mamamayan sa buong daigdig sa kani-kanilang bansa hanggang sa maagaw ang kapangyarihang pang-estado at maisakamay ito upang makamit ang pambansang pagpapalaya at maisulong ang mga panlipunang pagbabago at kaunlaran.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.