Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Kondenahin ang pasismo at pandaraya sa halalan ng Dy-nastiya! Ibagsak ang emperador!

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Mayo 13, 2004

Mariing kinokondena ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at ng buong rebolusyonaryong mamamayan ng Hilagang Silangang Luzon ang karumal-dumal na karahasan at pandaraya ng Dinastiyang Dy sa halalang Mayo 10.

Noong araw ng halalan, nagpabaha ng pera at mga pagkain ang pangkat ni Dy sa naturang mga lugar at sa buong Isabela upang makakuha ng boto. Tinambakan din ng AFP ang mga baryo sa Benito Soliven; sa Bo. Ueg, Casala, Macayucayu, Alibadabad, San Mariano; at sa mga baryong saklaw ng Forest Region, Jones at Echague, Isabela upang takutin ang mga botante.

Walang ibang may motibong sumugod noong Mayo 10 sa munisipyo ng San Mariano at Jones, Isabela sa kalaliman ng gabi upang magpaulan ng bala, manunog ng balota at ng mismong mnisipyo at manabotahe ng bilangan kung hindi ang dynastiya ng Emperador na si Faustino Dy, Jr. na isinusuka ng mamamayan.

Ang 5th IDPA, mga pribadong goons at mga alipores ng Dy-nastiya ang maysala sa krimen na ito. Kasingungalingan at desperadong hakbangin ang pamimintang ng Dy-nastiya na may kinalaman ang NPA o rebolusyonaryong kilusan sa pangyayari. Nais naming ilinaw na hindi kasangkapan ang NPA sa pandarahas at pananakot sa mamamayan, sa panahon man o hindi ng reaksyunaryong halalan.

Ipinamalas na ng mamamayan ang kanilang tindig laban sa 30-taong maitim na paghahari ng pamilyang Dy. Inilampaso nila si Faustino Dy, Jr. sa halalan; nakahanda ang mamamayang palayasin sa posisyon ang kinasusuklamang Gobernador at mga kasapakat nito sa iba't-ibang anyo at paraan. Anuman ang gawin nitong kapit sa poder. Gumamit man ng pinakamasasahol na pandaraya at pandarahas. Matagal nang lampas sa taning ang kanilang paghahari!

Nananawagan ang CPP-NPA-NDF sa lahat ng mamamayan sa pagpapatuloy ng pagpupunyagi upang ibagsak ang Dy-nastiya. Ang lakas ng mamamayan ang puputol sa huling mga hininga ng naghihingalo nitong paghahari.

Higit sa lahat, magpunyagi sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka! Ito ang magwawakas sa marahas, marumi at maitim na pulitika, at magtatatag ng isang lipunang tunay na demokratiko at malaya.

Kondenahin ang pasismo at pandaraya ng Dinastiyang Dy! Ibagsak ang Emperador!

Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon hanggang sa tagumpay!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.