Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pagbayarin Nang Mahal Ang Rehimeng US-Arroyo Sa Kanyang Walang-Habas Na Pasistang Pamiminsala At Pandarahas Sa Mamamayan

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Setyembre 21, 2003

Hindi man pormal na ipinataw ni Presidente Gloria Arroyo ang Batas Militar, nalantad na sa mamamayan na ang kanyang �Strong Republic� at ang �Gyera Laban sa Terorismo� ay hindi nalalayo sa Martial Law na ipinataw ni Presidente Marcos noong Setyembre 21, 1972.

Tanda ng kanyang desperasyon sa pagkabigo ng kanyang �strong republic�, nag-utos na si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng �todong digma� para pigilan ang ibayong pagsulong ng rebolusyonaryong armadong kilusan.

Nitong buwan ng Hulyo, nag-utos na rin ito ng lantarang pagsupil sa diumano�y mga �ligal na prenteng organisasyon ng Partido Komunista.� Lalong binasbasan nito ang walang habas at brutal na pananalakay sa ligal na demokratikong kilusan. Malisyosong pinagpapareho nito ang ligal na patriyotiko at demokratikong kilusan sa PKP at BHB upang bigyang-matwid ang paggamit ng dahas ng estado laban sa mga ito.

Kalkulado at programado ang mga kaso ng pananakot, pangingidnap, pananakit at pamamaslang. Layon nitong wasakin ang mga progresibong organisasyong masa na nagsusulong ng interes ng mga batayang masa lalo na ang mga magsasaka. Hangad nilang manindak at magkintal ng takot para pahupain ang lumalakas na mga kilusang masa.

Ayon sa datos ng KARAPATAN, isang organisasyong nagmamatyag at nagtataguyod sa karapatang pantao, mayroon nang 482 kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang Rehimeng US-Arroyo mula Enero hanggang Hunyo 2003.

Sa Cagayan Valley, pinakahuli sa serye ng pasistang panunupil at pandarahas ang pagdukot kay Salvador Dancel, ang pangalawang tagapangulo ng Danggayan dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI)- Benito Soliven nito lamang Setyembre 16 sa lugar na pinagdausan nila ng pagsasanay sa mga lider magsasaka. Si Dancel ay matagal nang minamanmanan at dinadalaw ng mga alagad-paniktik ng AFP (hal. si Joseph Mamaoag at isang Marlon Laggui). Dinukot at pinaslang din nitong nakaraang linggo si Primitivo Burgos, isang lider-magsasaka sa Bagunot, Baggao, Cagayan.

Nitong Hulyo 1, inatake at tinangkang patayin ng mga elemento ng 41st IB at RSOT na nakabase sa Ibulo, Baggao, Cagayan ang pamunuan ng KAGIMUNGAN, isang progresibong alyansa ng mga magsasaka sa probinsya ng Cagayan. Pinagtataga ng mga elementong pinamumunuan ni Capt. George Domingo si Joey Javier, tagapangulo ng alyansa. Nakaligtas sa tangkang pagpaslang ang tatlong iba pang lider magsasaka.

Pinaslang din ng mga militar si Engr. Joaquin Soriano, isang progresibong lider at coordinator ng Bayan Muna sa Jones, dahil sa pagtanggi nitong suportahan ang kandidato ni Danding Cojuangco at Gobernador Dy, si Atty. Georgidi Aggabao sa espesyal na halalan noong Mayo.

Nitong nakaraang taon, sariwa rin sa alaala ang pagdukot ng mga militar at pagpaslang kay Warly Nagasao, coordinator ng Bayan Muna sa Echague, Isabela. Dinukot din si Dante Bitagon, isang lider magsasaka sa Bunugan. Baggao, Cagayan. Binaril at tinangkang patayin sa loob ng kanilang bahay si Rosito del Rosario, isang lider masa ng DAGAMI sa Hacienda Santa Isabel. Ilang beses ding tinangkang patayin si Franklyn Bolibol, isang lider ng Alyansa ng Magsasaka Laban sa Cassava (ALMACA)- Hacienda Santa Isabel ngunit hindi nakaligtas ang kanyang asawa na napaslang noong Mayo 2002.

Hindi rin ligtas sa harassment at pananakot ng mga alagad ng AFP at PNP ang mga taong-simbahan. Pinasok at hinalughog ang opisina ng Social Action Center ng Dyosesis ng Ilagan at ang Education Forum, mga opisinang nagsusulong ng mga maka-mamamayang mga programa at proyekto ng Diosesis. Minamanmanan at hinaharas din ang mga tauhan ng Iglesia Filipina Independiente, Simbahang Episcopal at ng UCCP. Maalalang kritikal ang mga taong simbahan sa mga mapaminsalang mga proyekto ng gobernador ng Isabela lalo na ang Cassava Plantation Project, Coal Plant at Coal Mining at pagpapatanim ng Bt Corn.

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy din ang pagsubaybay, pananakot at harrassment ng mga alagad ng AFP at PNP sa mga lider ng DANGGAYAN-Cagayan Valley, ang alyansa ng kilusang magsasaka sa Cagayan Valley at ng DAGAMI. Humahaba na rin ang listahan ng pamiminsala sa karapatang pantao ng mga CAFGU sa mga mamamayan kung saan sila nakadeploy sa mga liblib na lugar sa Cagayan, Isabela at Quirino.

Ibayong pinatindi at pinalawak ang mga operasyong militar. Apat na malakihang operasyong militar (brigade at division controlled) na panghadlang sa mga kilusang masa sa Baggao, Gattaran, San Mariano, Benito Soliven, Ilagan, Jones at San Agustin. Tadtad ng kampo (kasama ang 2 base ng Re-engineered Special Operations Team o RSOT) ang bayan ng San Mariano, Ilagan at Quirino kung saan ginagawa nilang trensera ang masa sa pagkakampo malapit sa kabahayan, barrio center, at paaralan, at pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

Pinalaki pa ang CAFGU at Bantay Bayan na may oryentasyong paramilitar. Sa San Mariano, nagsanay at nagtest-mission na ang mga bagong rekrut ng 45th IB nitong Agosto. Nagbuo na rin ng mga bagong yunit ng CAFGU sa Cauayan, Mallig at iba pang erya na target patamnan ng cassava ni Danding Cojuangco.

Sa harap ng matinding pag-atake, napakahalagang higit na magpunyagi at manindigan para ipaglaban ang batayang interes ng mamamayan. Ibayong palakasin ang ligal na kilusang demokratiko. Paigtingin ang protesta at pakikibakang masa para labanan ang mga mapaminsala at mapanlinlang na mga proyekto ng rehimen, ang pasismo ng estado at patuloy na igiit ang mga karapatang pampulitika at pang-ekonomiya. Huwag pasisindak sa pasistang pananakot.

Katulad ng Martial Law na ipinataw ni Marcos, hindi lamang mabibigo ang �Strong Republic�, ang �Todong Digma � at ang tahasang teroristang panunupil sa ligal na demokratikong kilusan ni Gloria Macapagal-Arroyo. Kundi lalo lamang nitong itutulak ang mamamayang Pilipino na kalingain at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at itaguyod ang armadong rebolusyonaryong kilusan.

Sa pagtindi ng pasistang karahasan ng estado, lalong higit na lahatang-panig na isulong ang mga pakikibakang masa at armadong pakikibaka. Patuloy na palakasin at pasiglahin ang Bagong Hukbong Bayan, ilunsad ang mga taktikal na opensiba; at higit na palaparin at palalimin ang baseng masa.

Pagbayarin natin ng mahal ang rehimeng US-Arroyo sa kanyang walang habas na pagsasamantala at pasistang pandarahas sa mamamayan. ###



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.