Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Hinggil sa diumano'y kautusan ni Jose Maria Sison na 'likidahin' si Gobernador Dy at mga kasapakat nito

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Hulyo 14, 2003

May padron ng panlilinlang at pambabalasubas sa katotohanan ang AFP, PNP at ang mga tagapagtaguyod nito sa Kapitolyo (ng Isabela) at ang pagpapalaganap ng mga naimbentong mga balitang pawang malisyoso at walang ni bahid ng katotohanan. Pinakabago rito ang walang katotohanang balitang press conference sa isang liblib na pook ng Isabela na ipinatawag ng isang nagngangalang "Ka Chat," diumano'y kalihim ng Partido Komunista sa Hilagang Silangang Luzon at diumano'y nagpatunay na may ganitong kautusan si Prof. Jose Maria Sison.

Lantarang panloloko ito ng sabwatan ng isang malaking arawang diaryo at ng mga manggagantso ng 5th ID na pinamumunuan ni Heneral Samuel Bagasin, sa mamamayang Pilipino.

Nais naming ipabatid na kailanman ay walang naganap na press conference o pag-iinterbyu sa kahit kanino mang mataas na opisyal ng Partido o ng Bagong Hukbong Bayan sa alinman sa mga larangang gerilya sa Cagayan Valley sa kagyat at sa nakaraang mga araw. Kaya walang katotohanan ang diumano'y pag-amin ng isang "Ka Chat" na atas ni Jose Maria Sison ang pagpaparusa.

Malisyoso ang pagsangkot kay Prof. Jose Maria Sison, ang chief political consultant ng NDFP Peace Negotiating Panel, sa napabalitang kautusan ng BHB na parusahan sina Gobernador Faustino Dy, Jr., si Bise-Gobernador Santiago Respicio at ang mga opisyal ng COMELEC-Isabela na pawang sangkot sa malawakang pandaraya sa ispesyal na eleksyon sa Ikaapat na distrito noong Mayo 12. Layon nitong palabasing may kaalaman at direktang sangkot si Prof. Sison sa mga aksyong pagpaparusa ng BHB, bagay na makakadiskaril sa kasalukuyang katayuan niya bilang isang lehitimong political refugee sa bansang The Netherlands na iniipit ngayon ng gubyernong Pilipinas at ng The Netherlands sa udyok ng imperyalistang US.

Gayunpaman, para na rin sa kaalaman ng lahat, inihahayag namin ang mabibigat ang pananagutan at krimen ni Gobernador Dy sa mamamayan:

  • Una, ang monopolyo nito sa kapangyarihang pampulitika. Ito rin ang dahilan na para makapapanatili sa poder, kinakailangan na nitong lantarang mandaya sa mga halalan at paslangin ang mga tumutunggali. Si Engr. Jake Soriano ang pinakahuling biktima ng pagkagahaman sa kapangyarihan, awtokrasya at warlordismo ni Dy.
  • Ikalawa, siya ang numero unong tagapagtanggol ng interes ng mga imperyalista (hal. Bt corn ng Monsanto), malalaking burgesya kumprador at mga malalaking panginoong maylupa (Danding Cojuangco). Sinasalamin niya ang kabulukan ng kasalukuyang kaayusang malakolonyal at malapyudal.
  • Ikatlo, siya ang pasimuno sa malawakang pang-aagaw ng lupa sa pamamagitan ng pagmamaniobra, paggamit ng mga kontra-mamamayang batas sa lupa at dahas-militar. Kinakasabwat nito ang AFP, PNP, DA, DAR at DENR sa pagtiyak na may lupang maiaalay para sa gamit at kontrol ng cassava at corn plantation ng kanyang padrinong si Danding Cojuangco sa kapinsalaan ng nakararaming magsasaka. Hindi bababa sa 150,000 ektarya ang inilalaan ng gobernador para sa kaginhawaan ni Danding Cojuangco. Marahas din niyang iginigiit ang kanyang kontra-mamamayang mga proyektong coal mining at coal-fired power plant sa Forest Region ng Isabela na popondohan ng mga imperyalistang bansa (Germany at Japan) sa kabila ng matinding pagtutol ng mamamayan lalo na ng mga magsasaka at ang panganib na idudulot nito sa kalikasan at mamamayan.
  • Ikaapat, may basbas siya sa papatindi at paulit-ulit na panunupil sa demokratikong mga karapatan ng mamamayan. Hinding hindi makakalimutan ng mamamayan ang pagpapasara sa Bombo Radyo; ang pagsuspinde nito sa 13 kawani ng ospital na lehitimong nagprotesta sa patakarang ipasara ang mga pampublikong ospital sa 11 na bayan; at ang paulit-ulit na pagsikil at pagharang sa mga mamamayang nagpoprotesta upang labanan ang mga mapang-agaw na mga proyekto sa Isabela.
  • Ikalima, mahigpit na itinataguyod nito ang militarisasyon sa mga komunidad kung saan may mga malalaking proyekto sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga kampo militar at puwersa ng CAFGU. Sa kasalukuyan, isa nang napakalaking garrison o bilangguan ang malawak na bahagi ng Mallig Region at ng Hacienda Santa Isabel sa Ilagan; ang buong San Mariano, Benito Soliven, Cauayan at Naguilian; at ang Jones, Echague at San Guillermo.
  • Ikaanim, si Dy ang kinikilalang pinuno ng sindikato ng hueteng, droga, prostitusyon at smuggling sa Isabela. Walang matagumpay na operasyon ng sindikato ng hueteng, prostitusyon at droga nang walang basbas ang pinuno ng probinsya.
  • Ikapito, sari-saring anyo ng pangungulimbat sa kaban ng bayan sa anyo ng mga 'SOP' na 10-40%. Nag-aastang kontra-korupsyon ngunit sa katunaya'y kontrolado nito, ng kapamilya at mga dummies, ang mga malalaking kontrata sa procurement, konstruksyon ng imprastruktura at mga pagawaang pampubliko katulad ng mga kalsada, tulay, eskuwelahan, ospital at mga gusali.

Humahaba ang listahan ng mga pananagutan at krimen ni Gobernador Dy. Nananatiling wasto at may bisa ang hatol ng Hukumang Bayan ng Demokratikong Gubyernong Bayan na ipataw ang kaparusahan kay Gobernador Dy.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.