Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

HINGGIL DIUMANO'Y "PAGBABALIK-LOOB" NG 34 TAGASUPORTA NG NPA

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Hulyo 08, 2003

Tatlumpu't apat na diumano'y tagasuporta ng NPA ang inilantad ng 5th ID sa isang kapulungan ng Provincial Peace and Order Council sa Aurora, Isabela nitong ika-5 ng Hulyo. Mga "nagbalik-loob sa gobyerno", ani Heneral Ernesto Lumang. Ipinagmamalaki pa ng 5th ID at ni Gobernador Dy na tumanggap pa raw ang mga ito ng tig-10 libong piso.

Gasgas na pakulong ito ng mga berdugo at teroristang sina Cojuangco-Dy-Bagasin. Ngunit hindi ito simpleng pakulo lamang. Hindi boluntaryong lumapit ang mga magsasaka na karamihan ay taga-Hacienda Santa Isabel Norte kung saan naghahari sa ngayon ang isang kompanya ng 21st IB. Isa itong anyo ng red-baiting, o pagbabansag na pula sa mga aktibistang masa at mga mamamayan. Layunin nitong takutin ang mamamayan para ihiwalay sila sa Bagong Hukbong Bayan.

Hindi lamang minsan na may inilantad ang 5th ID sa masmidya na mga "sumukong" kasapi diumano ng CPP-NPA-NDF, ngunit sa katotohana'y pawang mga sibilyan. Lalo na sa mga baryong hinihinala nilang kinikilusan ng NPA. Ngunit nagpapatuloy ang pag-aalsa ng mga magsasaka sa mga lugar kung saan "sumuko" diumano ang mga mamamayan, mula Santa Ana, Cagayan hanggang sa Nagtipunan, Quirino! Dahil kailanman, hindi nareresolba ng mga panunupil, pandarahas, pananakot at bogus na pagpapasuko ng AFP, ang mga batayang suliranin ng mga magsasaka. Sa katunayan, lalo lamang naipapamalas sa mamamayan ang kabangkarotehan at lubos na pagiging kontra-magsasaka ng AFP.

May kaugnayan din ang pakulong ito sa hangarin ni Danding Cojuangco na ipilit ang kanyang proyekto sa Kapatagan ng Mallig at karatig-bayan. Mula pa noong sinimulan ang mga mapang-agaw na proyektong cassava plantation, naitransporma na ng berdugong tambalang Cojuangco-Dy at ang sunud-sunurang mga aso nilang sina Alvarado at Bagasin ang mga pamayanan sa Kapatagan ng Mallig at karatig na mga bayan na isang napakalaking bilangguan kung saan ipinagkakait sa mamamayan ang lahat ng kanilang mga batayang demokratikong karapatan. Sa simpleng paglalarawan, wala ni katiting ng demokrasya.

Gusto nilang ipakita na hindi tumututol ang mga magsasaka. Ganitong-ganito rin ang ginawa ni Danding at Faustino Dy Sr noong unang mga taon ng dekada 80 para patahimikin ang mga magsasaka.

Ipinagbabawal ang anumang mapayapang pagtitipon ng mga magsasaka o paglulunsad ng anumang kilos protesta. Ilang beses na nga bang pinigilan ng mga berdugong asu-aso ng sabwatang Cojuangco-Dy ang mga magsasaka galing Quirino, Quezon, Mallig at Delfin Albano? Ilang beses na bang pinagtangkaang paslangin ang mga lider masa? At bakit magpasa-hanggang-ngayon, nagpapatuloy na nasa serbisyo ang mga katulad ni Lt. Ricthie Mabalod, ang pasimuno sa masaker sa mga ordinaryong manggagawa ng perya at sa isang masa ng Sta. Isabel noong 2002?

Nagkakamali ang berdugong Danding-Dy-Bagasin kung iniisip nilang magtatagumpay sila sa kanilang panlilinlang. Hindi ipagpapalit ng mga magsasaka ang kanilang paninindigang ipagtanggol ang karapatan nila sa lupang pinagyaman sa kakarampot na 10 libong piso lamang. Batid nilang isa itong pansamantala at hindi tapat na pagresolba o paglunas sa isang malalim at mabigat na suliranin ng mga magsasaka - ang walang katiyakan o kaseguruhan sa kanilang sinasakang lupa.

Hinihikayat namin ang nalinlang na 34 magsasaka na muling balikan nila ang maningning na kasaysayan ng kanilang pakikibaka. Huwag hayaang mawalan ng saysay ang pagbuwis ng mahigit na 30 kababayan nating magsasaka na pinaslang ng sabwatang Cojuangco-Dy Sr sa Hacienda San Antonio-Santa Isabel noong 1979-1982.

Sa kabilang banda, kinikilala at pinupuri namin ang malawak na mamamayan na patuloy na lumalaban at hindi nagpalinlang sa boladas ng AFP at ng sabwatang Danding Cojuangco-Faustino Dy. Makipagkaisa sa iba pang progresibo at demokratikong puwersa upang ilantad at labanan ang panunupil at panlilinlang na ginagawa ng mga alagad ng sabwatang Cojuangco-Dy-Bagasin sa inyong lugar.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.