Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Isa na namang nilapastangang halalan !

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Mayo 13, 2003

Karumaldumal na pandaraya! Walang kasingrumi at kasingtiwali! Muli na namang napatunayan ang kabangkarotehan at kahungkagan ng reaksyonaryong eleksyon.

Malinaw pa sa sikat ng araw na niredyek ng mamamayan ang kandidatura ni Georgidi Aggabao, ang kandidato ng dinastya Dy sa ispesyal na halalang naganap nitong Mayo 12. Ngunit sa lantarang pagmaniobra ng mga sunud-sunurang pulitiko, bayarang COMELEC, pribadong goons at mersenaryong puersa ng 5th ID, bumandera sa bilangan ang kandidato ng dinastiya. Bago nito'y gumamit na ang kampo ng Dy-Aggabao ng katakut-takot na panunupil at pandarahas, pagbaha ng pera at pagbili ng mga boto.

Walang ipinagkaiba sa nakaraang mga halalan. Nilapastangan na naman ng dinastiya at ng mga bayarang mersenaryo nito sa COMELEC ang demokratikong karapatan ng mga mamamayang mamili ng kanilang kinatawan. Inulit nila ang garapalang pandaraya kay Ms. Grace Padaca na siyang tunay na nanalo sa ikatlong distrito sa halalang 2001.

May kumon na mensahe ang halalang 2001 at ang ispesyal na halalang 2003 - isinusuka at lubos na kinamumuhian ng mamamayan ang naghahari sa lokal na pamilya Dy!

Sa halalang 2001, tinalo ng mga kandidatong anti-Dy ang mga alipores ng dinastiya. Tinalo ni Ms. Grace Padaca si Bodgie Dy sa ikatlong distrito; tinalo ni Atty Edwin Uy si Atty Joyjoy Domingo sa ikalawang distrito; at tinalo ni Atty Tony Abaya si Atty Aggabao sa ikaapat na distrito.

Para makapanatili sa kapangyarihan ang nabubulok at naghihingalong dinastiya, kailangan na nitong gumamit ng sari-saring pandarahas at pandaraya.

Ang pinakahuling anomalya ay dagdag na namang tala sa listahan ng mga kontra-mamamayang krimen ng dinastiya Dy. Humahaba na ang listahan ng kanilang ipinapalasap na paglapastangan, pagpapahirap at panlilinlang sa mamamayan.

Mahigpit naming kinokondena ang garapalang pandaraya at paglapastangang ito sa mamamayan. Hindi palalampasin ng rebolusyonaryong kilusan ang krimeng ito.

Sa kabilang banda, pinupuri namin ang pagsisikap ng mamamayan ng ikaapat na distrito at maging ng sa probinsya, sa pagsusulong ng kanilang demokratikong karapatan sa larangang ito ng pakikibaka. Kailangan ngang kumilos ang mamamayan dahil ang nangyaring dayaan ay nagbabadya ng mangyayari sa halalan sa 2004.

Kinikilala at sinusuportahan din namin ang lumalawak na nagkakaisang prente ng batayang masa, mga progresibong uri at sektor, mga naliliwanagang mga politiko at mga negosyante para lubusang ilantad, ihiwalay at ibagsak ang naghaharing dinastiya Dy.

Batid namin na marami sa kanila ang nakakaunawa na hindi eleksyon ang magluluwal ng tunay na pagbabago sa kasalukuyang kaayusan kundi ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan na siyang ganap na papawi sa mga batayang suliraning panlipunan. Na tanging sa balangkas demokratikong rebolusyon lamang magkakaroon ng katuparan ang mga adhikaing demokratiko ng mamamayan.

Singilin ang Dynastiyang Dy! Isulong ang pambansa demokratikong rebolusyon hanggang sa tagumpay!#



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.