Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Mga pagkilos ng NDF NCR laban sa nakaambang gera ng US sa Iraq

Media Liaison Group
NDF-NCR Preparatory Committee
Marso 20, 2003

Naglabas ng pahayag nitong Marso 1, 2003 ang NDF NCR sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Henrico Abelan matapos ang matagumpay na kilos protesta nitong Pebrero 28 laban sa nakaambang gera ng US sa Iraq.

Sa pahayag na ito, sinabi ni Ka Henry na "Nahaharap ang mamamayan at lahat ng mga pwersang simpleng naninindigan laban sa gera, nababahala sa sitwasyon ng mga OFW sa gitnang silangan, ayaw masangkot ang bansa sa digmaan at ang pambansa demokratikong kilusan at iba pang naninindigan laban sa imperyalismong US sa malalaking kaganapan sa mga susunod na linggo at buwan. Kailangan nilang komprontahin sa pamamagitan ng malakihan at malawakang kilusang protesta sa mga darating pang mga linggo at buwan hindi lang ang gera ng US sa Iraq, ang gera ng rehimen at tropang US sa Mindanao kundi pati rin ang pagpapabagsak sa rehimen."

Nagpahayag ito ng suporta sa pahayag ni Ka Roger at ng Partido na may namumuong bwelo ng sigwa ng unang kwarto sa buong daigdig at tampok ang usapin ng kapayapaan at patriyotismo; sa panawagan ng Partido sa mga mamamayan sa mga bansa na ibagsak ang kanikanilang mga papet na rehimen ng US na aktibo sa pagsuporta sa gera at agresyon ng US sa mga bansang itinuturing nitong kalaban; at sa paninindigan ng Partido na sumabay sa agos na ito at itulak ang pagpapatalsik kay GMA.

Sinabi pa ni Ka Henry na tiyak na ang US-led war sa Iraq. Ayon sa kanya, bumibilis ang tempo ng mga protesta habang lumalapit ang bantang gera at sasambulat pang lalu ito kapag pumutok na ang giyera sa Iraq.

Binati ng NDF-NCR ang mga pambansa demokratikong pwersa at malapad na nagkakaisang hanay na nagmobilisa sa NCR noong Pebrero 28, 2003. Sinabi sa pahayag na: "Marami doong lumahok mula sa hanay ng mga taong simbahan, mula sa buu-buong parokya at iba pang institusyong simbahan, mga eskwelahan at administrasyon nito, mga personaheng pulitiko at pinadalo ng lokal na gobyerno. Sa pamamagitan ng suyod ng mga paghahanda at aktwal na pagmomobilisa ng mga panrehiyon at lokal na legal na pambansa demokratikong pwersa, at ng ugnay at tulungan nila sa mga alyado, nagmula ang bulto ng mobilisasyon noong Pebrero 28. Malaking pagsulong ang mobilisasyong ito ng mga panrehiyon at local na organisasyon ng mamamayan na tayang mahigit 15,000 at malaking igpaw ito kung ikukumpara sa mga mobilisasyon ng rehiyon sa nakaraang apat na taon."

Pinansin din ng pahayag na malaking bulto ng nagmobilisa ay mula sa hanay ng kabataan-estudyante na sa kalakhan ay bagong pwersa. Sa tantyang 50 libong nagtipon sa protesta noong Pebrero 28, halus 30 libo dito ang tuwirang nagmula sa mobilisasyon ng mga organisasyon, alyansa, institusyon, at personahe na inugnayan at kinatulong ng mga progresibo't rebolusyonaryong pwersa. Humigit-kumulang sa kalahati ng 30 libong ito ay mula sa hanay ng kabataan-estudyante (bukod pa ang kusang-punta, dala ng iba pang pwersang anti-gera at pro-peace na kabataan-estudyante rin ang bulto).

Dagdag pa, tinuran sa pahayag ang sumusunod: "Masigla at masinsin ang mga build up actions at aktibidad sa mga eskwelahan, na mahusay na nakakuha ng atensyon ng masmidya, sa pagtatambol ng malakihang aksyong masa ng Pebrero 28. Bago ang Pebrero 28, halus isang linggong tuluy-tuloy na namutiktik ang iba't-ibang tipo ng kilos protesta sa mga eskwelahan at kahit sa komunidad (kasabay ang iba pang sektor). Mas nauna pa, nariyan ang makasaysayang pagtitipon ng mga konseho ng mga estudyante sa 19 na eskwelahan at ang panrehiyong alyansa ng mga ito noong Disyembre 6, 2002 na siyang nagbigay pahayag para sa kapayapaan at laban sa gerang agresyon ng US sa Iraq. Nariyan din ang mga konsiyerto para sa kapayapaan, mga misang bayan para sa kapayapaan, prusisyong bayan, mga porum at film showing, art graffiti sa mga pader at kahit sa katawan o mukha na koordinado sa administrasyon ng eskwelahan at iba't iba pang anyo ng protesta. Dahil dito, inihalintulad ng masmidya ang paglahok ng kabataan-estudyante sa paglahok nito sa EDSA2."

Ayon pa kay Ka Henry, nagpapakita ng lakas at sigla ang kilusan ng kabataan-estudyante, sa pamumuno ng progresibo't rebolusyonaryong pwersa sa punong lunsod. Nag-kick-off ang kilusang anti-war at para sa kapayapaan sa rehiyon simula pa ng huling kwarto ng 2002. Itinulak iyon ng kilusang anti-imperyalista/anti-agresyon ng US sa Pilipinas. Puhunan dito ang kapangahasan at pagiging mapanlikha nila sa pakikipag-alyansa, anyo ng protesta, tiyaga at sakripisyo sa bahagi ng rebolusyonaryo't progresibong pwersa, alyado at mga lider.

Malaking hamon ngayon sa progresibong kilusan ng kabataan-estudyante ang higit na pagpapalawak at pagpapalakas para tuluy-tuloy na makapanatili sa unahan ng malawak na paglaban sa gera ng US sa Iraq at sa kabuuang "preemptive-war policy" at "hyperpower hegemonism" ng US sa daigdig. Maisusulong ito kaalinsabay ng paglaban sa lumalalang interbensyong militar ng US sa Pilipinas, at paglalantad at pagkondena sa labis na pagkapapet, militarismo at antimasang palakad ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Bilang panghuli, ayon kay Ka Henry, nanawagan ang NDF-NCR sa mamamayan at sa lahat ng pwersang anti-US war on Iraq na isustini at patindihin ang mga kilos protesta pati na sa giyera ng rehimen at US sa Mindanao at iba pang bahagi ng Pilipinas hanggang sa maibagsak ang rehimeng GMA. Ayon sa pahayag, maaring gawin ang mga sumusunod :

  1. Maaring ilunsad ang mga aktibidad at aksyong masa sa mga komunidad, simbahan, upisina, pabrika at iba pa na pansustini, upang mapalahok ang pinakamaraming bilang ng mamamayan sa isyu ng gera sa Iraq, sa Mindanao at ang pagtataksil ni GMA sa bayan.
  2. Maari ding maitayo ang mga katulad ng o tipo ng "peace centers" at mga "peace center committees" na magiging base ng tulungan ng iba't ibang grupo, institusyon at organisayon.
  3. Mag-organisa ng mga youth peace volunteers at makipagtulungan sila sa pinakamalapit na parokya ng mga simbahan para sa kampanya sa kapayapaan.
  4. Maaaring magkusa ang mga kabataan na magbuo ng organisasyong masa na kabibilangan ng mga indibidwal na simpleng ayaw sa digmaan, nababahala sa kasasapitan ng mga kapatid nating OFWs, ayaw masangkot ang bansa sa isang giyera ng agresyon at iyong mga lumalaban sa imperyalismong US. Maari at dapat ding gawin ang katulad sa hanay ng manggagawa, maralita, mga propesyunal at intelektwal.
  5. Ang malapad na alyansa laban sa giyera sa Iraq ay maari pang umunlad at higit pang lumapad sa pamamagitan ng pag-abot sa pinakamaraming simbahan, eskwelahan, mga LGU at mga negosyanteng pumupusisyon laban sa nasabing giyera.
  6. Engganyuhin ang mga city councils ng mga LGU upang magpahayag o magsagawa sila ng resolusyon para sa kapayapaan at laban sa giyera sa Iraq.
  7. Maglaan ng suporta sa mga aktibidad ayon sa kakayahan tulad ng share-a-fare, share-a-ride o share-a-gasoline sa mga dadalo sa mga aktibidad para sa kapayapaan.
  8. Makiisa sa pandaigdigang kilusang protesta laban sa giyera sa Iraq at magtulungan ang lahat upang makapagpakilos ng mga daan-daang libo hanggang milyong mamamayan.
  9. Ang mga manggagawa at kilusang unyon nito ay aktibong makakalahok at magiging prominente ang papel sa kilusang protesta at malapad na alyansa dahil mahigpit na kaugnay ng gera ng US, at Globalisasyon ang isyu ng sahod, trabaho, karapatang mag-unyon.
  10. ###

    Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.