Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ginagawang Madugong Laboratoryo ng 9th Infantry Division Ang Lalawigan ng Camarines Sur

Gregorio Ba�ares
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines-Bicol
Abril 22, 2004

Mariing kinukundena ng NDF-Bicol ang paghahasik ng terorismo at mga karumal-dumal na krimen ng 9th Infantry Division at 42nd IB sa mga bayan ng Tinambac, Goa, Lagonoy, Presentacion, Caramoan, at Garchitorena sa ikatlong distrito ng Camarines Sur at iba pang bayan sa lalawigan. Ginagawa nitong laboratoryo ng kontra-insureksyong programa ang Camarines Sur katulad nang ginawa ng rehimen sa Mindoro.

Umaabot na sa 24 sibilyan ang dinukot mula Marso 1 at hindi pa nakakauwi sa kanilang mga pamilya. Apat na sibilyan ang pinaslang at hinayaang mabulok ang mga bangkay kabilang ang isang bata at isang 19 na taong gulang na dalaga na ginahasa muna saka pinagputol-putol ang katawan at ulo nito sa Caramoan. Karamihan ng mga dinukot na sibilyan ay kasapi ng mga progresibong partylist na Bayan Muna at Anakpawis. Marahas na sinupil ng 42nd IB sa pangunguna ni Col. Nilo Perfecto ang ligal na pagkilos ng mga kasapi ng Bicol Regional People's Caravan ng mga progresibong party-list sa Mabalod-balod, Tigaon, Cam. Sur.

Ipinatutupad din ang ala-martial law na pagkontrol sa populasyon at pagbabawal sa mga sibilyan na magtrabaho sa kanilang mga sakahan ng lampas sa alas-3 ng hapon habang ninanakaw ng mga militar ang kanilang mga ari-arian at alagang hayop tulad ng baboy, manok at iba pa.

Desperadong hakbang ng 9th Inf. Div. ang isinasagawang malaganap na pangdudukot, pangsasalbeyds at iba pang pang-aabuso sa layuning sindakin at takutin ang mamamayan at palayasin sila sa lugar. Ito'y sa kabila ng palpak na rescue operation ng militar upang iligtas daw ang kanilang dalawang tauhan na bihag ng NPA. Salungat ito sa makataong pagtrato at pangangalaga ng BHB sa mga POW na sina 1Lt. Butch Fedelino at Pfc. Ronnel Leme�o.

Dapat ilantad at labanan ng mamamayang Bikolano ang lagim ng militarisasyon at hadlangan na gawing ikalawang laboratoryo ng kontra-insureksyong programa ang Bikol tulad ng ginawa ng rehimen sa Mindoro. Bahagi ng kontra-insureksyong programa ng estado ang panunupil sa mga ligal at progresibong party-list at paghadlang sa kanilang manalo sa halalan. Sila ay malisyosong pinararatangang mga prente ng CPP-NPA-NDF upang bigyang-matwid ang panunupil sa kanila ng estado.

Hinihikayat namin ang mga kaibigan sa media, mga pulitiko at kandidato, mga relihiyoso, mga patriyotikong sundalo at pulis, at mga nagtataguyod sa tunay at pangmatagalang kapayapaan na manindigan at tuluy-tuloy na ilantad, labanan, at biguin ang teroristang pakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa ating rehiyon. Partikular na tinatawagan namin ng pansin ang kritikal at mapanuring media sa Bikol na may napakahalagang papel sa maagap na paglalantad sa publiko ng mga abusong militar at paglapastangan sa karapatang-pantao ng mga Bikolano.

Magkaisa at labanan ang militarisasyon! Itaguyod ang tunay at pangmatagalang kapayapaan!#

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.