Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag sa Midya Kaugnay ng Reyd sa San Lorenzo Ruiz, Cam. Norte

Gregorio Ba�ares
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines-Bicol
Oktubre 13, 2003

Matagumpay na ni-reyd ng NPA kagabi ang munisipyo at PNP Station ng bayan ng San Lorenzo, Ruiz, Camarines Norte. Ayon sa ipinaabot na ulat ng mga kasama, nasamsam sa reyd ang dalawang ripleng M16, radyo, mga bala at iba pang gamit militar.

Dahil sa mahusay na paghawak sa elemento ng sorpresa at paggamit ng mahusay na taktika sa pag-atake, madaling nakontrol ng mga pulang mandirigma ang munisipyo at istasyon ng pulis. Itinaon ang paglusob sa munisipyo sa oras na alas-10 ng gabi noong Linggo upang maiwasan na madamay ang mga sibilyan sa labanan.

Naiwasan ang maraming pinsala dahil nagsipagtakbuhan ang nagbabantay na mga pulis nang marinig ang mga putok mula sa NPA. Hinayaan silang makatakas ng NPA dahil nakitang hindi na sila panganib sa mga kasama at armas lang nila ang pakay ng mga pulang mandirigma. Walang nasaktan sa panig ng NPA dahil malayo na sila nang makapagpaputok ang mga pulis.

Ang Philippine National Police ay lehitimong target ng mga taktikal na opensiba ng NPA dahil isa itong mapaniil na instrumento ng rehimen sa kontra-rebolusyon. Magkatuwang ang PNP at AFP sa paglulunsad ng malupit na mga operasyon laban sa NPA at sa mamamayan. Kahit ang mga ligal at demokratikong pagkilos ng mamamayan ay sinusupil ng PNP at AFP.

Binibigyan ng pagkakataon ng rebolusyonaryong kilusan ang mga pulis na walang malubhang krimen sa kilusan at sa mamamayan na makipag-ugnayan sa mga yunit ng NPA. Hinihimok sila na huwag aktibong lumaban sa rebolusyonaryong kilusan at isuko ang kanilang mga armas kapag nakasagupa ang mga yunit ng NPA. Armas at mga gamit militar nila ang pakay ng mga NPA. Tulad nang ginawa ng NPA sa mga pulis sa San Lorenzo Ruiz, hinayaan silang makatakas nang piliin nilang huwag lumaban sa mga pulang mandirigma.

Mabuhay ang CPP-NPA-NDF!

Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.