Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

MAGSASAKA, MAGKAISA!
IPAGLABAN ANG MAKATWIRANG PASAHE NG SITAW!

Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)
Silangang Bulakan
Setyembre, 2002

MAHABA NA ANG ATING PAGTITIIS AT PAGSASAWALANG-KIBO!

Matagal na nating pinalalampas ang pagsasamantala sa atin. Kinatas na ng mga financier-biyaherong ito ang tuyot na kabuhayan natin! Napakataas na tubo sa abono't pestisidyo... pagpapatong ng mataas na interes sa ating mga bale at utang... napakamahal na upa sa makina lalo na't kwentahan ng pakturahan... binarat na presyo ng sitaw! Hanggang sa pasahe, tinataga pa rin tayo!

Walang kahirap-hirap, tumataginting na P6,900.00 ang linis na kita sa isang biyahe lang ng sitaw. Samantalang tayong nagkakandakuba ng apat na buwan sa pagsisitaw ay walang nakakamit kundi ang humahabang listahan ng utang!

KITA NG BIYAHERO MULA SA 1 BIYAHE
Pangkaraniwang lulan ng isang biyahe30 laksa
Minimum na pasaheP30/bundle
Minimum na kabuuang kitaP9,000.00
GASTOS NG BIYAHERO KADA BIYAHE
KrudoP 300.00
Tiket/Parking Fee1,100.00
Pakain200.00
Upa sa Driver300.00
Upa sa Pahinante200.00
KABUUANG GASTOS2,100.00
NETONG KITA NG BIYAHERO KADA BIYAHE6,900.00

Ang hindi dumadaing ay lalong pinahihirapan!

Kaya tapusin na ang pagsasawalang-kibo! Sama-sama nating ipanawagAn ang P2.00 kada tali na pasahe ng sitaw. Kung tutuusin, ang pisong kabawasan ay napakaliit lamang at kapiranggot lamang na bahagi ng kanilang tubo at kung ikukumpara sa P2.00/tali na pasahe ng mga taga-Nueva Ecija, di hamak na mas mataas pa rin ang singil na ito

Pero huwag nating asahang ibibigay agad nila ang ating kahilingan! Pagpupursigihan natin itong ipaglaban upang mapilitan silang magbigay. At hindi ito simple at madali.

Hindi natin makakamit ang tagumpay ng laban kung tayo'y hindi organisado. Susi ang pagtatayo ng balangay ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa ating baryo upang bigkisin ang ating hanay. Daluyan ito ng ating pagkilos kaya hikayatin natin ang lahat ng magsasaka na sumapi dito.

Kapag buo na ang ating samahan, ilulunsad na ang pagkilos upang igiit sa mga financier na tugunan ang ating kahilingan. Hakbang-hakbang at iba-iba ang porma ng pagkilos na ating isasagawa hanggang sa matamo natin ang ipinakikipaglabang karapatan.

Upang matiyak na nasa wastong direksyon ang ating pakikibaka, pataasin natin at plawakin ang kamulatan. Sa gitna ng laban, sistematiko nating ilulunsad ang mga pagsusuri at pag-aaral sa ating kalagayan at maging sa ating lipunan. Dahil ang kamulatan ng kasapian ang siyang magtatakda ng ating pagkakaisa, pagsulong at tagumpay. Kaisa natin ang ating Hukbo (NPA) sa isinusulong na pakikibaka dahil ang interes ng magsasaka ang pangunahing nilalaman ng programa ng CPP/NPA sa Demokratikong Rebolusyong Bayan (DRB).

Huwag na nating pahabain pa ang listahan ng utang sa paktura ng mga financier na ipinamumukha sa atin! Ngayon na ang tamang panahon para kumilos!

Ipaglaban ang P2.00/tali na PASAHE NG SITAW

LABANAN ANG PAGSASAMANTALA NG MGA KOMERSYANTE-PML SA MGA MAGSASAKA!

BIGKISIN ANG HANAY!

ITAYO ANG BALANGAY NG PKM!

ISULONG ANG REBOLUSYONG AGRARYO SA KANAYUNAN!

ISULONG ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.