Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino Waray
   

Ang katotohanan sa likod ng pagtambak ng mga sundalo at paglakas ng operasyong militar sa Silvino Lubos

Ka Amado Pesante
Tagapagsalita
Rodante Urtal Command
Bagong Hukbong Bayan -Northern Samar
Agosto 05, 2004

Ang Silvino Lubos ay isa sa dalawang bayan sa Northern Samar kung saan wala pang naiproklamang munisipal na upisyales dahil sa deklarasyon ng "failure of elections" sa walong barangay dito. Kaugnay nito, walang katotohanan ang nailathala sa Hulyo 4 na isyu ng Leyte Samar Daily Express (LSDE) na mga akusasyon nina Col. Bernard de Luna, commanding officer ng 803rd Brigade ng Philippine Army, at Board Member Marites Gillamac, ex-mayor ng Silvino Lubos, na may banta ang NPA na salakayin ang nasabing bayan upang samantalahin ang ganitong kalagayan nito. Mas lalong walang katotohanan ang mga nagkalat na balitang may banta ang NPA sa pamilya ni Gillamac o sa kapatid niyang si Noel Jarito, kumandidatong mayor sa Silvino Lubos.

Ang totoo, gawa-gawa lang ang mga kwentong ito upang bigyang-katwiran ang pagdami ng tropa at paglakas ng mga operasyong militar sa Silvino Lubos, at maging sa buong probinsya. Bago pa man ang nagdaang eleksyon noong Mayo 10, tinambakan na ang Silvino Lubos ng mga sundalo ng 63rd IB PA at pinalakas na ang mga operasyong militar dito, na nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon. Noong Abril 2004, idinagdag sa tropa ng 803rd Brigade na nakabase sa Camp Sumuroy, Brgy. Dalakit, Catarman ang dalawa pang batalyon - ang 20th IB PA at ang 52nd IB PA - na kadarating pa lamang ay agad nang inumpisahan ang kanilang malakas na operasyong militar sa halos buong probinsya. Ginalugad ng militar ang mga baryo at kagubatan ng Catarman, Bobon, San Isidro, Las Navas at Silvino Lubos sa Northern Samar, at hanggang sa Oquindo District, Calbayog, Western Samar.

Dalawa ang pangunahing layunin ng unang arangkada ng mga operasyong militar bago ang Mayo 10 na eleksyon: Una, nyutralisahin ang NPA at pigilan ang mga progresibong kandidato at partylist upang hindi epektibong makakilos sa panahon ng eleksyon, at sa kabilang banda ay itaguyod ang mga kadidato at partylist na sinusuportahan ng militar. At pangalawa, hawanin ang daan para sa epektibong pagpapatupad ng mga SOT (special operations team) operation upang buwagin ang tinatawag nilang pampulitika at pangmilitar na istruktura ng CPP-NPA-NDF.

Kung gayon, ang pagdagsa ng mga sundalo at paglakas ng mga operasyong militar sa Silvino Lubos ay hindi dahil may plano ang NPA na salakayin ang nasabing bayan, kundi dahil bahagi ito ng pagpapatupad ng 803rd Brigade dito sa probinsya ng Phase-II ng Campaign Plan "Kalinaw-Visayas" na idinisenyo ng Central Command (CENTCOM) ng AFP na nakabase sa Camp Lapu-lapu, Cebu City. Ang layunin ng kampanyang ito ay ang pagnyutralisa sa tinutukoy nilang tatlong aktibong larangang gerilya sa Samar sa pamamagitan ng pagbuwag sa pulitiko-militar na istruktura ng CPP-NPA-NDF at pagtatayo ng tinatawag nilang Integrated Territorial Defence System (ITDS).

Kaya kailangang maging mahigpit na mapagmatyag at hindi magpaloko sa militar ang mga Nortehanon. Kailangang lumaban at panghawakan ang mga aral sa nagdaang mga mga karanasan sa pagharap sa militarisasyon sa kanayunan. Sariwa pa sa alaala ng mga Nortehanon ang napakakarumal-dumal na bakas ng mga SOT operation na pinamahalaan ng mga yumaong sina Maj. Danilo Bilion at Capt. Jovito Solima, kung saan napakarami ang pinagbubugbog at pinagpapatay, pinagsamantalahang kababaihan, nasindak o na-shock dahil sa matinding pananakot at pandarahas, at mga nagsi-ebakwet sa iba't ibang lugar dala ng matinding takot. Walang ibang mapagpipilian ang mga mamamayan kundi ang lumaban sa pamamagitan ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka upang makawala sa patong-patong na kahirapang binabalikat, sa ilalim ng mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema ng lipunang ito.#

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.