Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaWaray
Read media release   

Ang pasistang bangis ng rehimeng US-Arroyo ang nagtuturo sa mga kabataan na kailangang sumapi sa NPA

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 29, 2003

Sa ngalan ng Partido Komunista ng Pilipinas, nais naming ipahayag ang nagpupuyos na galit sa rehimeng US-Arroyo at AFP sa patraydor na pagdukot, pagtortyur at pagpatay nitong Setyembre 22 sa Compostela Valley kina Lito Doydoy, Marjorie Reynoso, Jonathan Benaro at Ramon Regase —mga kabataang aktibistang kasapi ng Anakbayan, Anak ng Bayan Youth Party at Sangguniang Kabataan.

Sila ang pinakahuling mga biktima ng teroristang todo-gera ng rehimeng US-Arroyo. Sila ay di armado at walang katarungan ang pagpatay sa kanila. Titiyakin ng Bagong Hukbong Bayan na maparurusahan ang mga asong ulol na tauhan ng rehimeng US-Arroyo na nag-utos at nagsagawa ng karumal-dumal na krimeng ito.

Katulad ng pagpatay kina Eden Marcellana at iba pang mga aktibista sa iba't ibang lugar, sina Doydoy ay pinatay ng rehimeng US-Arroyo sa pag-aakalang magagawa nitong takutin ang mamamayan at ilayo sila sa landas ng rebolusyon. Partikular na itinutuon ng rehimeng US-Arroyo ang pasistang bangis nito sa mga kabataan na maramihang sumasapi sa NPA at nagbibigay ng napakahalagang ambag sa pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan.

Ang pagpatay sa apat na kabataang aktibista sa Compostela Valley ay nagpapatampok sa kawalan ng interes ni Arroyo na tugunan ang mga hinaing ng mga kabataan at ng kanilang mga magulang. Sa patuloy na pagpapakapapet sa imperyalismong US, paglala ng korapsyon at pagtindi ng pasistang karahasan laban sa mamamayan sa ilalim ng mapang-api at mapagsamantalang paghahari ng rehimeng US-Arroyo at ng mga reaksyunaryong uri, walang natitirang pag-asa ang mga kabataang anak ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang naghihirap na mamamayan na makaahon sa kinasasadlakan nilang kahirapan at kaapihan.

Maling-mali ang rehimeng US-Arroyo kung inaakala nitong mapipigilan ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitan ng pasistang pandarahas sa mamamayan. Habang lalong gumagamit ang militar ng pasismo sa pagsisikap na kontrolin ang kanayunan, lalo namang nawawala ang reaksyunaryong kapangyarihan sa puso at diwa ng mamamayan. Habang lalong humahaba ang listahan ng mga biktima ng harasment, iligal na pag-aresto at detensyon, mga pagpatay, pagtortyur, pagmasaker at iba pang pasistang pang-aabuso, lalo namang sumisidhi ang pagnanais ng mamamayang lumaban.

Ang pasistang bangis ng rehimeng US-Arroyo ay nagtuturo sa mga kabataan na kailangang sumapi sa NPA. Katunayan, sa mga lugar na nagdudulot ng matinding militarisasyon ang teroristang todo-gera ng rehimeng US-Arroyo, parami nang parami ang kabataang sumasanib sa rebolusyonaryong kilusan at sumasapi sa NPA.

Tanging ang pambansa-demokratikong rebolusyonaryong kilusan ang nagbibigay ng pag-asa sa mga kabataang Pilipino na magkaroon ng masagana, maunlad, makatarungan at malayang kinabukasan. Kung kaya't libu-libong kabataan ang sumasapi sa mga rebolusyonaryong organisasyong katulad ng Kabataang Makabayan kapwa sa loob at sa labas ng mga sonang gerilya. Ang nakararaming mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ay mga kabataan. Ang bagong dugong dala nila ay nagbibigay ng walang katapusang kasiglahan sa NPA. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.