Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIlokoWaray
Read media release   

Patalsikin si Gloria Macapagal-Arroyo

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 28, 2003

Sagad-sagaran ang korapsyon, pagkapapet at pagka-militarista ng rehimeng Arroyo. May hindi kukulangin sa 10 dahilan kung bakit kailangang kumilos ang mamamayang Pilipino para wakasan na ang rehimeng Arroyo:

  1. ang tuwirang pagkakasangkot ng mag-asawang Arroyo sa malakihang korapsyon, at ang malawakang korapsyon ng kanilang mga tauhan kapwa sa militar at burukrasyang sibil
  2. ang pagpirma sa Mutual Logistics Support Agreement na nagbibigay ng karapatan sa militar ng US na gamitin ang buong bansa bilang isang malaking base militar
  3. ang pagpapahintulot sa mga Balikatan "war exercises" para bigyang-daan ang papalalang interbensyong militar ng US sa Pilipinas
  4. ang pagbabasura sa usapang pangkapayapaan at pagpapakana ng teroristang pambobomba sa Davao at iba pang bahagi ng Pilipinas para akitin ang interbensyong militar ng US
  5. ang bulag na pagsuporta sa gerang agresyon ng US laban sa Iraq na labag sa mga internasyunal na panuntunan sa sibilisadong relasyon ng mga malayang bansa
  6. ang paglulunsad ng todo-gerang terorista na nagreresulta sa malawakang militarisasyon at mga paglabag sa karapatang-tao sa kanayunan, laluna sa Mindoro, Aurora, Nueva Ecija, Cagayan Valley, Compostela Valley at iba pang lugar
  7. ang patuloy na pagsasakatuparan ng mga patakarang liberalisasyon ng ekonomya na dikta ng IMF-WB-WTO at pagwawasak sa mga pwersa sa produksyon ng bansa at kabuhayan ng masang anakpawis
  8. ang pagbibigay-daan at pag-endorso sa malawakang pangangamkam ng lupa tulad ng pangangamkam ng lupa ni Eduardo "Danding" Cojuangco para sa kanyang malawakang plantasyon ng kamoteng kahoy
  9. ang pagtangging itaas ang sahod ng mga manggagawa at mga kawani ng pamahalaan
  10. ang walang-tigil na pagtataas ng presyo ng langis, singil sa tubig, singil sa kuryente atbp. at kabiguang pigilan ito.

Sa tindi ng pagkakahiwalay ni Arroyo sa mamamayan at lupit ng krisis na likha ng mga makadayuhan, militarista at bulok na patakaran at gawi nito, higit ngayong lumalaki ang posibilidad na mapapatalsik si Arroyo sa pamamagitan ng pagkilos at pag-aalsa ng milyun-milyong mamamayan katulad ng ginawang pagpapatalsik kay Estrada noong 2001 at kay Marcos noong 1986.

Maging ang mga reaksyunaryong oposisyon ay nanawagan na rin ng pagbibitiw ni Arroyo at sumusuporta sa mga pagkilos sa lansangan ng mamamayan para sa kanyang pagpapatalsik. Gayundin, sa hanay ng sundalo ng gubyerno ay lumalakas ang mga daing laban sa papet, mapaniil at bulok na pamunuan ng militar at gubyerno. Hinihikayat namin silang lumapit at sumuporta sa demokratikong kilusang masa at makipagkoordina sa pagkilos upang pabagsakin ang rehimeng Arroyo.

Kaugnay nito, patuloy na paiigtingin ng Bagong Hukbong Bayan ang paglulunsad ng mga armadong taktikal na opensiba laban sa AFP at mga armadong grupo ng estado alinsunod sa panawagan ng Partido na ibayong isulong ang armadong rebolusyon sa buong bansa at bigwasan ng matindi ang rehimeng Arroyo. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.