Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIlokoWaray
Read media release   

Kundenahin ang 19th IB sa mass torture at masaker ng mga sibilyan at hors de combat sa Kananga, Leyte

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Mayo 06, 2003

Batay sa natanggap kong ulat, hindi engkwentro kundi mass torture at masaker ng siyam na mga sibilyan at hors de combat ang naganap sa San Isidro, Kananga, Leyte noong Abril 16, 2003.

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Kananga mass torture at massacre sa kamay ng mga tropa ng 19th IBPA sa utos ni Lt. Col. Oscar Lactao, ang Palparan ng Leyte.

Ayon sa ulat ng Fact Finding Mission Team na nagtungo doon, karamihan ng mga biktima ng masaker ay malapitang binaril sa ulo na bumasag ng kanilang mga bungo. Bago sila pinagpapapatay, naganap ang isang mass torture kung saan pinaso sa apoy ang kamay ng isa, binuhusan ng kumukulong tubig ang kanilang mga kamay, paa, katawan at mukha, at binugbog at pinagpapapalo ng matigas na bagay.

Kabilang sa mga biktima ng Kananga Mass Torture at Massacre ay ang lider magsasaka na si Eugenio Tazan, 54 taong gulang, ng San Isidro Small Farmers Association (SISFA) at ang tatlong buwang buntis na si Rowena Superior, 24 taong gulang at myembro ng Bagalungon Small Farmers Association (BASFA). Biktima rin ang mga menor de edad na residente ng Kananga na sina Randy Potoy, 15; Rey Corpin, 13; Benjie Cabugoy, 17; at Obet Quidlat, 16.

Kailangang mabigyan ng lubos na atensyon ng publiko ang Kananga Mass Torture at Massacre. Ang ginagawang paglalantad dito ng mga organisasyon para sa karapatang-tao ay kailangang-kailangang suportahan nating lahat.

Hinahamon ko ang mga taong-simbahan, mga estudyante, guro, mga taong-midya, mga pulitiko at iba pa na makiisa at tulungan ang mamamayan ng Kananga sa kanilang hangarin na makamit ang katarungan sa labis na karumal-dumal na paglapastangan sa mga karapatan nila at ng mga kamag-anak at kababaryo nilang tinortyur at minasaker.

Hinahamon ko si Senador Francis Pangilinan, pinuno ng human rights committee ng senado na imbestigahan ang Kananga Mass Torture at Massacre katulad ng isinasagawang pag-iimbestiga ng kanyang komite sa kaso ng pagpatay kay Eden Marcellana at Eddie Gumanoy ng Mindoro.

Ipinakikita ng kasong ito na ang militarisasyon at walang-awang mga pang-aabuso ng militar sa mamamayan sa kanayunan ay nagaganap hindi lamang sa Mindoro, kundi sa lahat ng panig ng bansa. Itong 19th IB na siyang may kagagawan ng Kananga Mass Torture at Massacre ang siya ring may kagagawan ng pagmasaker sa pamilyang Nuguit noong Enero 29, 1999 sa Sityo Mogus, Barangay Capacujan, Palapag, Northern Samar.

Desperadong-desperado ang mga pasistang tropa ng AFP at PNP sa kabiguan nilang lupigin ang Bagong Hukbong Bayan. Sa kanilang pagkaulol, itinutuon nila ang kanilang bangis sa walang kalaban-labang mga sibilyan, niyuyurakan ang kanilang karapatang-tao at nilalabag ang lahat ng probisyon sa mga pandaigdigang alituntunin sa digmaan.

Sa likod ng matinding militarisasyon sa kanayunan at mga paglabag sa karapatang-tao, patuloy na sumusulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa buong bansa. Ang lalong paglakas ng Bagong Hukbong Bayan ay nagbibigay dito ng ibayong kakayanan na tugunan ang sigaw ng mamamayan para sa katarungan at parusahan ang mga pusakal na pasistang militar para sa kanilang mga utang na dugo sa mamamayan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.