Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishHiligaynonWaray
   

Ang rehimeng Macapagal-Arroyo na mismo ang nag-aalis ng puwang para sa ceasefire ngayong Kapaskuhan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 04, 2002

Sa mga susunod na araw, iaanunsyo ng pamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang desisyon nito hinggil sa usapin ng unilateral na pagdedeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan.

Tulad sa mga nagdaang taon, seryosong pinag-iisipan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang posibilidad ng pagdedeklara ng ceasefire sa panahon ng Kapaskuhan. Sa nakaraan, nagdedeklara ang PKP ng ceasefire upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng mamamayan sa Kapaskuhan at bilang pagsuporta sa usapang pangkapayapaan.

Subalit sa ngayo'y walang tigil si Macapagal-Arroyo sa panggegera laban sa mamamayan, grabeng pagpapakatuta at paglapastangan sa soberanya ng bansa at kapakanan ng sambayanan. Walang kainte-interes ang rehimen na magbigay-daan sa mapayapang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Ang gusto lang nito'y umatake nang umatake, pasko o hindi pasko.

Inaatake nito ang soberanya ng bansa. Matapos nitong pirmahan ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA), inihahanda na ni Macapagal-Arroyo ang pagpasok ng mas marami pang tropang Amerikano sa unang bahagi ng darating na taon. Ang mga tropang Amerikano na ito ay balak na ituon laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Walang patid na pang-aatakeng militar. Batay sa mga impormasyong nakalap namin mula sa loob ng militar, sasamantalahin ng AFP ang posibilidad na magdeklara ang PKP ng ceasefire upang magdeploy ng mas maraming mga pwersang paniktik at mas malalaking pwersa sa mga ipinagpapalagay nilang mga lugar na malakas ang rebolusyonaryong kilusan. Itutuloy ang gayong mga plano sabihin mang maaari pang magdeklara ng "suspension of offensive military operations" ang pamunuan ng AFP at PNP.

Sadyang inaalis ni Macapagal-Arroyo ang puwang upang mapayapang ipagdiwang ng mamamayan ang Kapaskuhan at upang magkaroon ng makabuluhang ceasefire. Wala man lamang itong ipinakikitang kaunting kagandahang-loob upang bigyang-daan ang pagdedeklara ng ceasefire kahit man lang ngayong Kapaskuhan. Ginagawa nitong mahirap para sa PKP na magdesisyon para sa pagdedeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan.###



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.