Tungkol sa pambobomba sa Bali
Gregorio "Ka Roger" Rosal Spokesperson Communist Party of the Philippines
Oktubre 14, 2002
Ang pagpapasabog ng malakas na bomba sa Bali Island na nagresulta sa pagkamatay ng halos 200 tao ay isang kamuhi-muhing akto na lubusang kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Ipinaabot ng PKP ang taus-pusong pakikidalamhati nito sa mga biktima ng malagim na krimeng ito.
Subalit higit kaysa pambobombang ito sa Bali, ang mas malaking trahedya na maaaring dumating sa mamamayang Indones ay ang paggamit dito bilang sangkalan upang bigyang-katwiran ang matagal nang nais ng imperyalismong US na ibayong panghihimasok sa Indonesia.
Matagal nang nais ng US na papasukin ang mga tropa nito sa Indonesia. Subalit hindi ito basta pinahihintulutan ni Pres. Megawati Sukarnoputri. Dahil dito, may ilang buwan nang nasa Indonesia ang mga sikretong operatiba ng US na naghahanap ng paraan upang idestabilisa ang rehimeng Sukarnoputri at mapwersa itong buksan ang mga hangganan ng Indonesia at gawin itong isa sa mga lunsaran ng internasyunal na teroristang gera ng imperyalismong US.
Nais ng US na gamitin ang Southeast Asia bilang lunsaran ng mga digmang agresyon nito sa Asia-Pacific. Ginagamit nito ngayon ang �gerang kontra-terorismo� upang patindihin ang panghihimasok nito laluna sa Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
Ang pagpapasabog sa Bali, direkta man o hindi, ay nagsisilbi sa imbing layuning ito ng imperyalismong US.
Nananawagan kami sa mamamayang Indones na ipagtanggol ang soberanya ng kanilang bansa at puspusang labanan ang balak ng US na direktang manghimasok doon.###
Back to top
|