Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Karapatan ng rebolusyonaryong kilusan na depensahan ang sarili at ang mamamayan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 18, 2002

Anumang aksyon na maaaring gawin ng Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong kilusan laban sa imperyalismong US at rehimeng Macapagal-Arroyo ay pawang nasa balangkas ng pagtatanggol-sa-sarili at sa pagtatanggol din sa mga pakinabang na natamo na ng mamamayan sa mga teritoryo ng Demokratikong Gubyernong Bayan bunga ng kanilang pagrerebolusyon.

Malawak ang arsenal ng digmang bayan sa usapin ng mga sandata at pamamaraan at marami itong opsyong pwedeng pamilian oras na magkaroon ng armadong probokasyon mula sa imperyalismong US.

Sa pagsasakatuparan ng anumang partikular na hakbang sa pagdedepensa sa sarili at sa mamamayan, palaging magiging pangunahing kunsiderasyon ang kaligtasan at pangkalahatang kapakanan ng mga ordinaryong sibilyang hindi sangkot sa armadong labanan, Pilipino man o dayuhan.

Taliwas sa mga kasinungaling ipinagkakalat ng mga katulad ng National Security Adviser ni Macapagal-Arroyo na si Roilo Golez, ang mga mamamayan sa mga lugar kung saan malakas ang rebolusyonaryong kilusan ay nagtatamasa ng mga benepisyo ng pagrerebolusyon, laluna mula sa rebolusyong agraryo. Pinakikinabangan nila ang mga tagumpay tulad ng mas mababang upa sa lupa, mas mababang interes sa pautang, mas mataas na sahod ng mga manggagawang bukid at mas mataas na presyo sa kanilang mga produkto. Sa ilang lugar ay tuluyan nang napawi ang usura at upa sa lupa.

Kadalasan, ang mga manggagawa sa mga minahan, trosohan, palaisdaan at iba pang negosyo sa mga sona at baseng gerilya ay nagtatatamasa rin ng mga benepisyo tulad ng mas mataas na sahod at mas makataong kalagayan sa paggawa bunga ng mga pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan.

Dahil sa mga benepisyong ito, minamahal, sinusuportahan at ipinagtatanggol ng mamamayan ang rebolusyon at ang Demokratikong Gubyernong Bayan. Alam nilang mapapawi at mawawasak lamang ang mga pakinabang na puspusan nilang naipagwagi sa tulong ng rebolusyonaryong kilusan kapag hahayaan ang pananalasa ng AFP at mga tropa ng US sa kanilang mga lugar.

Isang malakas at makapangyarihang kalaban ang kakaharapin ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan oras na magsimula ang digmang agresyon ng US sa Pilipinas. Subalit tulad ng dati na naming deklarasyon, nakahanda ang mga rebolusyonaryong pwersa na lumaban sa iba't ibang paraan. Ang pangako ng isang lipunang malaya sa pang-aapi at pagsasamantala, na unti-unting naisasakatuparan sa mga sonang gerilya at base ng rebolusyon ang nagbibigay ng tapang at determinasyon sa amin na harapin kahit ang pinakamakapangyarihang superpower sa mundo at ang mga papet na tropa nito.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.