Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Ang rehimeng US-Macapagal-Arroyo rin ang nagpapatunay na kailangang ipagpatuloy ang armadong pakikibaka

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 09, 2002

Sadyang wala sa lugar ang sinasabi ni Norberto Gonzales, adviser ni Macapagal-Arroyo, na kailangang bitawan na ng rebolusyonaryong kilusan ang armadong pakikibaka.

Ang mapagsamantala at mapang-api mga patakaran ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo pinakamalaking batayan kung bakit kailangang ipagpatuloy ng mamamayang Pilipino ang pagsusulong ng armadong pakikibaka. Katunayan, sa ilalim ng rehimeng ito, patuloy na dumarami ang magigiting na manggagawa, magsasaka, mga kabataan at kababaihang nais sumapi sa NPA.

Pinalalala ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang pang-aapi, paghihirap at panunupil sa mamamayan sa pamamagitan ng:

1. walang patumanggang liberalisasyon na nagbubukas ng ekonomya ng bansa sa buong-layang pandarambong ng mga dayuhang monopolyong kapitalista

2. bulag na pagpapakatuta sa imperyalismong US at todo-todong pagsuko ng pambansang soberanya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pagpasok ng mga tropang Amerikano at paghikayat ng permanenteng presensya ng mga ito

3. todo-todong militarisasyon, laluna sa kanayunan, na nagbubunsod ng napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao, paglapastangan sa mga pandaigdigang makataong batas at pagsalanta sa kabuhayan ng mamamayan.

Ang pagbasura kamakailan ni Macapagal-Arroyo sa patakaran ng "maximum tolerance", malupit na pagbira sa mga mapayapang demonstrasyon at deklarasyon ng all-out war ay mga hakbanging lalong naglilinaw sa pangangailangan ng armadong pakikibaka. Lalo nitong hinihikayat ang mamamayan na humawak ng armas at isulong ang sandatahang pakikibaka hanggang tagumpay.

At habang lumulubha ang krisis ng naghaharing sistema, lalo ring mabilis na kumakalat ang apoy ng armadong rebolusyon sa buong bansa.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.