Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
   

Kailangang patunayan ng GRP ang kaseryosohan nitong makipag-usap sa NDFP

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 08, 2002

Kung gusto talaga nila Bello at de Venecia ng seryosong usapang pangkapayapaan, kailangan silang kumawala sa militaristang balangkas na pilit na ipinapataw dito ni Angelo Reyes at ng imperyalismong US.

Makabubuti kung magsikap silang ipatupad ang mga dati nang napagkasunduan, kabilang ang CAHRIHL, at kilalanin ang mga pambansa at demokratikong kahingian ng mamamayan na kinakatawan ng NDF.

Sa harap ng patakaran ng all-out war ng rehimeng Macapagal-Arroyo, hindi namin maitatanggi na kahit papaano�y may pagdududa kami sa kaseryosohan ng pakay nila Bello at de Venecia.

Tinatanong namin kung papaanong magiging seryoso ang rehimeng ito sa pakikipag-usap sa isang rebolusyonaryong armadong kilusan na bulag nitong itinuturing na "terorista"? Tama ba ang pangamba ni Vice President Guingona na sa maling pagturing ng rehimen na "terorista" ang NPA, sadyang mawawalan na ng puwang ang pakikipag-usapang pangkapayapaan?

Ang pakikipag-usap ba sa NDF nila Bello at de Venecia ay upisyal na ineendorso ni Macapagal-Arroyo? Kung gayon, paano itong itutugma sa upisyal na pananaw ni Macapagal-Arroyo na "terorista" ang NPA at ang armadong rebolusyonaryong kilusan."

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.