Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Sinungaling si Maj. Noel Buan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Abril 08, 2002

Ang mga pahayag ni Maj. Noel Buan na inilathala sa Philippine Daily Inquirer nitong Abril 6, 2002 ay puno ng mga pambabaluktot at kasinungalingan. Ito ay bahagi ng ubod-ng-malisyosong kampanya ng paglapastangan sa integridad ng Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong kilusan.

Inaasahan namin na lalong magiging matabil ang dila nitong si Major Buan sa mga darating na panahon ngayong hinirang siyang hepe ng Special Affairs Group, ang yunit pang-psywar ng Philippine Army na nag-iispesyalisa sa paghahabi ng mga kwento at intriga laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ang Special Affairs Group ng Philippine Army ay direktang nakikipagkoordina at ikinukumpas ng mga opereytor ng Central Intelligence Agency (CIA).

Upang palabasing kapani-paniwala ang mga sinasabi ni Major Buan, inilalarawan niya ang sarili niya bilang isang mahusay na espiya, isang bagay na napakalayo sa katotohanan. Sa operasyong entrapment na dinisenyo ng BHB upang dakpin si Major Buan, ikinwento sa kanya na nais siyang kausapin ni Kasamang Tirso �Ka Bart� Alcantara upang aregluhin ang pagsuko sa kanya. Madali naman itong pinaniwalaan ni Major Buan kaya�t pumayag siyang pumasok sa sonang gerilya na nagresulta naman sa madaling pagdakip sa kanya ng BHB noong Hulyo 7, 1999.

Naghahambog si Buan na �bigyan mo ako ng isang buwan kasama ang isang rebelde at uuwi siya pagkatapos�. Kahit nga sa loob ng dalawang taon ay hindi niya nakumbinseng sumuko ang custodial force ng BHB na nangalaga sa kanya. Ni ayaw niyang makipag-usap nang mahusay noong panahong siya�y bihag-digma ng BHB. Palaging nagmumukmok at kung kakausapi�y pabalbal at papilosopo ang sagot.

Hindi rin totoo ang sinasabi niyang tinangka niya akong kumbinsehing sumuko noong nagkaroon kami ng pagkakataong magharap bago siya pinalaya. Ni ayaw nga akong kausapin.

Kung napakalaking kasinungalingan ang hinahabi ni Buan tungkol sa sarili, lalo namang mas malaki ang mga kasinungalingan niya laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Hindi marahil matunawan si Buan at napaglalangan siya ng taong binalak niyang lansihin at pasukuin. Kaya ngayon, pilit niyang iniintriga si Ka Bart at pilit din siyang lumilikha ng hidwaan sa pagitan ng mga mandirigma at pinuno ng BHB at Partido.

Sa napakamalisyosong paraan, ipinahihiwatig ni Buan na may kinalaman si Ka Bart sa pagkamatay noong Nobyembre 7, 2000 ni Kasamang Armando Teng. Si Kasamang Teng ay namatay nang bumigay na ang kanyang bato matapos ang maraming taong pagkakasakit dito. Ngunit ayon sa kwentong hinabi ni Major Buan, nilason si Kasamang Teng. Inintriga niya si Ka Bart na nais diumanong agawin ang katungkulan ni Kasamang Teng bilang kalihim ng Panrehiyong Komite ng Partido sa Timog Katagalugan.

Gustong papaniwalain ni Buan ang publiko na ang mga kadre at kasapi ng rebolusyonaryong kilusan ay walang pinagkaiba sa mga reaksyunaryong upisyal sa burukrasyang militar at sibilyan na nag-iintrigahan, nagmamaniobra, nagpapatayan at gumagawa ng iba�t krimen para maangkin ang mga pribilehiyong kaakibat ng pusisyon.

Gumagawa rin siya ng isyu katulad ng umano�y di pantay na rasyon ng sigarilyo upang tabunan ang katunaya�y napakahigpit na pagkakaisa ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa mga patakaran at programa ng Partido. Pinipilit niyang ilarawan na umiiral din sa loob ng rebolusyonaryong kilusan ang malawakang di pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga mapagsamantalang uri at ng masang anakpawis; o sa pagitan ng napakalaking kinukulimbat na yaman ng malalaking burukrata at upisyal militar na tapat niyang pinagsisilbahan at ng kakarampot na sahod at kita ng mga manggagawa at magsasakang hinahamak niya.

Ang biglang pagsasalita ngayon ni Major Buan ay bahagi ng pinag-iibayong kampanya ng paninira sa Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan na ikinukumpas ng US. Kinakailangang mababalaan ang mamamayan sa iba�t ibang pang lasong idudura ni Major Buan.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.