Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishHiligaynon
Read media release   

Kondenahin at tutulan ang pag-iibayo pa ng armadong interbensyon ng US sa Pilipinas

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Marso 20, 2002

Dahil di nasasapatan sa kasalukuyang laki at takbo ng operasyong militar nito sa Pilipinas - na tinatawag na nitong �Operation Enduring Freedom-Philippines�, iginigiit ng US na kailangang madagdagan ang mga tropa nito sa bansa - higit pa sa itinakda ng Terms of Agreement (ToR) ng Balikatan 02-1.

Mula�t sapul, ginusto na ng US na magpadala sa Pilipinas ng gaanuman kalaking pwersang kakailanganin nito sa mga triad operations (paniktik-impluwensya sa populasyon-kombat) nito sa Pilipinas, kayat may mga pag-alinlangan ito sa paglimita ng ToR sa bilang ng mga tropang US sa 660.

Ang pagdaragdag ng mga tropang Amerikano ay mangangahulugan lamang ng kagyat na pagtitindi ng armadong interbensyon ng US sa bansa at nagbabanta ng masahol pang pag-iibayo nito sa hinaharap. Sa katunaya�y alinsunod ito sa plano ng US na panatilihin ang permanenteng presensya nito sa Pilipinas at bahagi ng mas malaking planonitong tuwirang gerahin ang mga rebolusyonaryong pwersa, sa partikular ang NPA at MILF.

Bahagi ng preparasyon tungo rito ang pagpapalakas ng propaganda at kampanyang psywar para palabasing mga terorista at kriminal kapwa ang NPA at ang MILF. Kabilang dito ang pagsasali ng US sa NPA sa listahan nito ng mga terorista, mga nilubid na istorya tungkol sa �nagpapatuloy na paglilinis� ng BHB, �kumpirmasyon� ng SOCOM sa ugnayan ng MILF at al Qaida, pagkakasangkot diumano ng mga ito sa mga krimeng kidnap-for-ransom, at iba pang anyo ng paninira. Itong mga black propaganda ay orkestrado ng mga eskpertong psywar ng US at may layong dungisan ang integridad ng mga rebolusyonaryong pwersa.

Ginagamit na katwiran ang bahaging �civic action� ng triad operations nila sa Basilan bilang tabing para sa mga karagdagang tropang US. Kailangan din nila ito para malinlang ang mamamayan sa mga lokalidad sa pamamagitan ng mga pakitang-taong pampabango. Higit pa rito, kailangan ng dagdag na pwersang US para sa mga operasyong militar sa mas malawak na mga lugar na pinupugaran at kinikilusan ng Abu Sayyaf. Nababagalan at nakukulangan ang US sa pag-abante ng magkasanib na operasyong militar ng USAF at AFP at kailangan pa diumanong dagdagan ng isang batalyon ang mga tropang US upang mapuksa ang 50-100 pwersa ng Abu Sayyaf.

Hindi maitago ang sukdulang pagkapapet ni Macapagal-Arroyo sa pagkukunwari niyang hindi pa nakararating sa kanya ang plano pero siya�y �bukas sa kahilingan� at �walang nakikitang problema rito�. Bagkus, ang mga gobyerno at sandatahang lakas ng US at Pilipinas ay nagkasundo na tungkol dito. Sa katunayan, ihinahanda na lamang ng mga ligal na katwiran. Upang ikutan ang balakid dito na itinakda ng ToR, may naisaayos nang susog sa ToR ng Balikatan 02-1.

Kaalinsabay, isa pang maigsing Balikatan 02-2 na may mas malaking bilang ng kalahok na tropang US (1,700) ay ilulunsad naman sa Central Luzon mula Abril hanggang Mayo, kagyat lamang na kasunod ng katatapos na Balance Piston war exercises. Hindi na raw kakailanganin ang isang ToR para sa Balikatan 02-1 dahil mas pagsasanay lamang ito kumpara sa katangiang operasyon ng Balikatan 02-1. Ang lumalaki at lumalaganap na presensya ng mga tropang US sa bansa ay ginagawa nang isang karaniwan at pang-araw-araw na bagay.

Lalong higit na kailangang iprotesta ng mga patriyotikong pwersa at mamamayan ang armadong interbensyon ng US sa bansa, tutulan ang pag-iibayo pa nito, kondenahin ang lumalalang pagtataksil ng rehimeng Macapagal-Arroyo at igiit ang pagpapaalis sa mga tropang US.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.