Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Kundenahin ang walang hangganang gera ni Bush!

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Pebrero 02, 2002

Isang walang hangganang gera ang tahasang idineklara ng numero unong imperyalistang butangero. Hayagang idineklara ni George W. Bush ang pagpapatuloy ng gera laban sa mga �terorista� mula sa Afghanistan at �saanman sila matatagpuan�.

Ilang araw pa lamang ang nakararaan, sinabi ni Bush na ang 2002 ay magiging �taon ng proxy wars� (o mga gera sa pamamagitan ng mga papet ng US). Ngayo�y naiinip na siya sa mga lokal na papet kung kayat ibayo siyang nagdeklara na �kung hindi sila kikilos, kikilos ang Amerika.� Ni hindi na nagpaliguy-ligoy tungkol sa layunin ng pagpapadala ng mga tropang Amerikano saanmang lugar naroroon ang mga kaaway ng US, kabilang na ang Pilipinas.

Sa gitna ng deklarasyon ni Bush, lumilinaw nang husto ang dahilan sa presensya ng pwersang militar ng US ngayon sa Mindanao: Sila�y pangkombat at hindi pumunta rito para sumali sa pagsasanay.

Sinabi rin ng US charge d�affairs Robert Fitts sa seremonya ng paglulunsad kahapon ng Balikatan 02-1 na pagkatapos nito, magtutuluy-tuloy pa ito sa Balikatan 02-2 at mga susunod pang Balikatan sa buong taon at ang pinakalayunin ng mga ito ay para lipulin ang Abu Sayyaf at �terorismo� sa bansa.

Pinalalabas ng mga ito na pawang kasinungalingan at panlilinlang ang pagpapaliguy-ligoy ng mga upisyal ng gubyernong Pilipino tungkol sa tunay na layunin ng masyadong matagal na dispusisyon ng malaking bilang ng mga tropa ng US sa mga larangan ng labanan sa bansa.

Prangkang sinabi ni DND Secretary Angelo Reyes na kapag tapos na ang mga pwersang Amerikano sa Abu Sayyaf, ang susunod nilang target ay ang Bagong Hukbong Bayan. Deretsahan ding sinabi ni Macapagal-Arroyo na wala siyang nakikitang iligal kahit masangkot pa sa kombat dito ang mga tropa ng US at hinamon pa ang mga bumabatikos sa kanya na subukan ang kanyang deklarasyon sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso sa korte. Subalit ang iba�t iba pang mga upisyal at tagapagsalita ng gubyerno ay paiwas at nagtatangkang ipagpatuloy ang pagkukunwari na ang mga pwersa ng US ay narito lamang para magbigay ng pagsasanay.

Si Bush ay nagsasalita at umaasta bilang isang di mapasusubaliang imperyalistang militarista, na siyang tunay niyang pagkatao. Hindi na siya nag-aabalang uriratin pa ang usapin ng pambansang soberanya ng mga bansang kinaroroonan ng mga kaaway ng US. Ang pambansang soberanya ng ibang mga bansa ay isang bagay na niyuyurakan lamang ng mga bota ng mga sundalong Amerikano. Nilalapastangan niya ang saligang prinsipyo sa pandaigdigang ugnayan na unibersal na tinatanggap sa sibilisadong mundo: hindi dapat pinakikialaman ang mga usaping panloob ng mga bansa.

Ipinakikita ng mga pahayag ni Bush ang arogansya ng isang imperyalistang amo na nagdidikta sa kanyang mga papet at sa iba pang bahagi ng mundo. Inangkin niya sa ngalan ng imperyalismong US ang absolutong kapangyarihan, makaisang-panig na pagkilos at lantarang interbensyon sa ibang mga bansa. Inilalatag nito ang daan para sa ekstensyon ng gerang agresyon ni Bush dito sa Pilipinas.

Dapat mariing kundenahin ng rebolusyonaryong kilusan at ng mamamayang Pilipino ang pandaigdigang gerang agresyon ni Bush. Dapat nilang paghandaan, at ubos- kayang tutulan at labanan ang panghihimasok-militar ng US sa bansa.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.