Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Kundenahin at labanan ang armadong panghihimasok ng US sa Pilipinas!

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Enero 26, 2002

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang walang pakundangang panghihimasok ng mga tropang US sa Pilipinas at ang walang kahihiyang pangangayupapa ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa US. Tahasang nilalapastangan ng panghihimasok na ito ang pambansang soberanya at binabali-baligtad maging ang konstitusyon at mga batas ng reaksyunaryong gubyerno.

Ang sadya at tuwirang panghihimasok na ito ay nagbabadya ng mas malakihan at mas masahol pang agresyong militar ng US. Hindi ililimita ng US sa Basilan at sa Abu Sayyaf lamang ang armadong interbensyon nito. Paulit-ulit na pahayag ni Gen. Angelo Reyes na isusunod ang Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front of the Philippines bilang �buhay na target� ng mga operasyong militar na nagpapanggap na �military exercises�. Ginagamit lamang ng imperyalismong US na pagdadahilan ang mga �pagsasanay� sa Armed Forces of the Philippines at ang pagbibigay ng mga �payo� rito sa paglaban sa Abu Sayyaf upang ilusot at ipwesto ang tuwirang armadong panghihimasok nito sa lumalawak at umiigting na labanan sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon sa bansa.

Hindi nasisindak ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa mga hakbanging ito ng mga imperyalista at militarista. Determinado ang buong Partido na biguin ito at handa itong pamunuan ang sambayanan upang labanan ang armadong panghihimasok ng US sa lahat ng larangan at pamamaraan. Nakahanda rin itong pagbayarin nang mahal ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa tahasang pagkapapet at pagtataksil sa bansa.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.